Umapaw ang ligaya at paghanga sa social media matapos ipalabas ng ABS-CBN ang official music video ng Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa Christmas ID na nakakuha na ng mahigit isang milyong views sa YouTube at Facebook.
Nag-trending agad ang star-studded music video sa Twitter na hinangaan ng maraming netizens dahil sa makabuluhan nitong mensahe tungkol sa pagkapit sa Diyos, pamilya, at kaibigan para makahanap ng ligaya sa gitna ng pagsubok at pagtampok sa mga taong nagpakita ng kabayanihan at malasakit sa kapwa.
Naging emosyonal pa ang ibang netizen dahil sa mensahe nitong “God is good all the time kaya nga proud akong manonood ng Kapamilya. God bless all of you! The best CID.”
Isinulat ang Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa ni ABS-CBN Creative Communication Management head Robert Labayen, habang si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang naglapat ng musika at nanguna sa overall vocal arrangement at music production.
Inaanyayahan din anila ng lahat na sumali sa #TayoAngLigayaDuets. Pumunta sa official ABS-CBN vertical accounts (TikTok, YouTube Shorts, Facebook/Instagram Reels) at piliin ang artist na gustong maka-duet.