RK, takot na mawala si Jane
Dalawang taon nang magkasintahan sina Jane Oineza at RK Bagatsing. Ayon sa aktor ay mas lumalim na ngayong ang kanilang relasyon ng dalaga. “Always naman kaming trying to be on the next level but you know, trying to be better person muna. Rather than being better half. Kasi eventually darating din ‘yon. We just want to make the most out of the opportunities and projects na ipinagkakatiwala sa amin,” bungad ni RK.
Sa ngayon ay kanya-kanyang mga proyekto muna ang pinagtutuunan ng panahon ng magkasintahan. “I think at this stage in our career, lalo na siya. Sobrang daming dumarating na blessings and we want to focus on that more. I am so proud and happy for her kasi ang daming projects na paparating para sa kanya na kailangan ng full attention niya. And gano’n din ako, I’m in the middle of working on different projects. So ngayon naka-prioritize kami individually sa career namin. Kasi ‘yon ang magbubuo sa amin as individuals and you can’t be together kung pareho kayong may regrets sa kanya-kanya n’yong individual life. So you have to be full muna in order for you to be together as a whole. We just want to make the most out of the opportunities and projects na ipinagkakatiwala sa amin,” makahulugang paliwanag ng binata.
Aminado si RK na mayroon siyang kinatatakutan na mangyari sa kanilang relasyon ni Jane. “’Yung wala na kaming dalawa. Parang mag-isa na lang kami separately, hindi ba? Kasi it has been a long journey of being together, facing whatever it is na dumaan sa harap namin. And of course like any other thing na biglang mawala sa buhay mo, hahanapin mo ‘yon. And masasaktan ka kapag hindi mo na mahanap ‘yon sa paligid mo,” pagtatapos ng aktor.
Ryan, magiging tulay sa collab ng Pinoy at Korean
Masayang-masaya si Ryan Bang dahil nakabilang sa pinakabagong programa ng ABS-CBN na Dream Maker bilang host. Kasama ng aktor si Kim Chiu sa naturang reality show. “Siyempre sobra akong natuwa kasi dati nangangarap din ako. So siyempre malaki mangarap ang mga Pilipino lalo na ‘yung kabataan, gusto nila maging global pop star, ‘di ba? Lalo na sikat ‘yung mga K-Pop ngayon. So excited ako kasi alam ko matutupad ‘yung dream nila and ito ay isang malaking collaboration ng Korea at Pilipinas,” nakangiting pahayag ni Ryan.
Koreano rin ang nagsisilbing mentors sa mga contestant ng bagong programa. Para kay Ryan ay malaking tulong siya para mas madaling maintindihan ang sinasabi ng mentors sa contestants. “Natutuwa ako kasi alam mo kasi may talent pala ako sa salita. Kasi ako ‘yung tulay pati na ‘yung mga staff, pati ‘yung mga crew, tapos ‘yung mga hosts, mentors, Kimmy, ‘pag nag-uusap sila, ako nagta-translate. Tapos ‘yung mga Dream Chasers, ‘yung mga sumasali na kabataang Pilipino, ‘pag may tanong sila sa Dream Mentors, ako ‘yung tulay nila. So ang sarap sa pakiramdam pagkatapos ng show,” kwento ng aktor.
Excited na rin si Ryan para sa mananalo sa Dream Maker dahil mabibigyan ng pagkakataon na makilala bilang P-Pop o Pinoy pop group hindi lamang sa Korea kundi sa buong mundo. “For the first time nag-collab ang dalawang bansa, nag-collab sa isang show and puro Filipino ito na artists so super excited ako. Matutupad ang pangarap n’yo. ‘Yung mga winner dito sa Dream Maker, dadalhin sila agad sa Korea and doon sila magte-train and doon lalabas sa TV ng nationwide sa Korea so it is a big deal. Maganda ang programa para matupad ang pangarap,” pagbabahagi ng binata. (Reports from JCC)
- Latest