Lovi Poe, hindi magtatagal sa London

Lovi Poe

Umalis na kahapon papuntang London ang Supreme Actress na si Lovi Poe.

Ito ay para sa event ng Swiss luxury watch na Omega na magaganap sa Nov. 23 (Manila time).

Pero hindi dun magtatagal si Lovi. Babalik din agad siya ng bansa dahil sa kaliwa’t kanang commitment.

Pagdating, uunahin niya ay ang pagiging brand ambassador ng Ready Set Glow Cosme­tics kung saan siya ang bagong brand ambassador.

Ang babaeng Ready Set Glow ay modern, fearless, fun at citizen of the world at hindi natatakot na ipahayag ang kanyang pagkatao, kaya ayon kay Lovi ay swak siya pa rito. “Gusto ko ‘yung cosmetic line kasi sumisimbolo kung sino ako,” dagdag niya. 

Sa Nov. 30, sasabak si Lovi sa isa pang event. Ito naman ay para sa Childhope Philippines. Ang Childhope ay isang nonprofit organization na nagtataguyod ng kapakanan, proteksyon at karapatan ng mga bata partikular na ng mga bata sa  lansangan ng Maynila.

Makakasama ni Lovi ang mga batang ito sa isang hapon ng kantahan at sayawan na pinamagatang Musikalye.

“Ang Childhope ay palaging may espes­yal na lugar sa aking puso,” pagtatapat ni Lovi.

Samantala, abala na rin ang aktres sa paghahanda para sa isang exciting project pagkatapos ng matagumpay na Flower of Evil nila ni Piolo Pascual.

 

Show comments