^

PSN Showbiz

'Maalaala mo Kaya' mawawala na sa ere matapos ang 31 taon

James Relativo - Philstar.com
'Maalaala mo Kaya' mawawala na sa ere matapos ang 31 taon
Kuha kay Charo Santos-Concio, na nagsilbing tagapagkwento ng "MMK" sa nakalipas na ilang dekada
Video grab mula sa Twitter ng ABS-CBN News

MANILA, Philippines — Nagpapaalam na ang "longest-running drama anthology" sa buong Asya matapos ang lagpas tatlong dekada — ito ilang linggo matapos ianunsyong ipapalabas ito sa 41 bansa sa Africa.

Ito ang ibinahagi ni Charo Santos-Concio, Lunes, habang ibinabahagi ang kanyang farewell message sa fans na sumabaybay sa "Maalaala Mo Kaya" sa nakalipas na 31 taon.

"Hindi na po mabilang ang naisalaysay nating kwento dito sa 'MMK.' Mga kwentong totoo. Mga salamin ng sarili ninyong buhay na nagbigay ng aral at panibagong pag-asa," wika niya sa video na inilabas ng ABS-CBN kagabi.

"Kami po ay tagapaghatid lang ng mga kwento. Kung mauulit man ang lahat, hindi po ako magdadalawang-isip na piliin uli ang role na ito."

Mayo 1991 nang unang ipalabas ang "MMK" sa Kapamilya network, kung saan nagpapadala ng liham ang mga manonood upang ibahagi ang kanilang mga tunay na buhay, na siyang isinasadula ng mga artista.

Ilan sa mga nagbahagi ng kanilang kwento ang mga sikat na personalidad gaya ng mga celebrities, sports personalities, komedyante, atbp. Pero karamihan dito ay mula sa mga karaniwang tao.

Nagkaroon na rin ito ng pelikula noong 1994 hanggang sa ipahula sa mga manonood ang magiging pamagat ng palabas. Malaon, naging bahagi na ito ng regular na "viewing habit" ng marami.

Nagpasalamat din si Charo sa lahat ng nagpadala ng sulat, mga writers, direktor, researchers at production staff na naging bahagi ng programa atbp. na naging tulay para maging matagumpay ito.

"At higit sa lahat, sa inyong mga tagapanood. Kayo po ang nagsasabi na makabuluhan sa inyo ang aming ginagawa. Salamat po sa lahat ng nakaraan at sa anumang paraan na maaari pa tayong muling magkita," kanyang panapos.

"Ito po si Charo Santos, ang inyong tagahanga at tagapagkwento."

Tatlong linggo na ang nakalilipas nang ianunsyong ipapalabas na rin sa 41 bansa sa Africa ang "MMK," kabilang na riyan ang Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso, Burundi, Cameroon, Cape Verde, Central African Republic, Republic of the Congo, Democratic Republic of the Congo, Cote d'Ivoire, Equatorial Guinea, Eritrea, at Ethiopia, gayundin sa Gabon, The Gambia, Ghana, Guinea, Kenya, Lesotho, Liberia, Madagascar, Malawi, Mali, Mauritius, Mozambique, Namibia, Uganda, atbp.

Ipapalabas din ang MMK sa in-flight entertainment program ng mga international airlines gaya ng Etihad Ariways, Royal Brunei Airlines at Saudi Arabian Airlines.

ABS-CBN

CHARO SANTOS-CONCIO

MAALAALA MO KAYA

MMK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with