^

PSN Showbiz

L.A. Santos matagal nang crush si Janella

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
L.A. Santos matagal nang crush si Janella
Janella Salvador

Crush na crush ng actor/singer na  L.A. Santos si Janella Salvador. Kaya nang una niya itong nakita sa taping Darna, super na na-starstruck siya.

Kaya na-excite talaga siya nang nagkatrabaho sila sa Kapamilya action-fantasy series na pinagbibidahan nina Jane de Leon, Janella at Joshua Garcia.

Siya rito si Richard Miscala, isa sa mga miyembro ng paramedic team kung saan siya rin ang kumanta ng isa sa mga themesong, Di Maghihiwalay.

Anyway, aminado si L.A na music ‘yung reason kung bakit siya nasa showbiz. “Sa acting ngayon pero ayoko pa rin mawala yung music,” kuwento ni L.A. nang makausap ng ilang entertainment press.

Nagpapasalamat naman siya at maraming sumusuporta sa kanya at nagbibigay ng payo lalo na ang dati niyang nakatrabaho katulad nina Sam Milby, Iza Calzado, at Jodi Sta. Maria sa Ang Sa Iyo Ay Akin.

 Pero may isang payo raw talaga na ‘di niya nalilimutan : “’Yung pinakanag-stick po sa akin galing kay Ms. Jodi Sta. Maria. Sinabi niya po sa akin na huwag na huwag kakalimutan kung bakit ko ito ginagawa.

“Maganda pong reminder to think about my purpose ‘yung sinabi po ni Ms. Jodi,” pag-alala niya.

Pero dream role niya ang maging anak ng actor na si Ian Veneracion kung magkakaroon ng pagkakataon.

Nabanggit din niyang pamilya na ang turingan nila sa Darna lalo na kila Jane, Janella, and Joshua.

“Sobrang bait po nila.”

May girlfriend na ba siya?

“Wala pa po akong girlfriend pero parang sini-set ko lang po yung priorities ko. Saka na lang. Very supportive lang ako sa lahat ng mga tao na nakasama ko,” aniya.

May nililigawan ka? Dagdag na tanong namin?

“Wala po, siguro someday malalaman nyo po yan pero ngayon private muna.”

Pero aniya ay nagka-girlfriend na siya. “Kasi ako ‘pag nagka-girlfriend ako, liligawan ko talaga muna yung Mommy,” kuwento niyang natatawa.

Sino ex girlfriend mo?

“Wala, non showbiz po eh.”

Bakit mommy ang liligawan mo?

“Mama’s boy po kasi ako sobra. Ganun ako pinalaki ni mommy. Sabi ni mommy mas ligawan ko talaga yung mommy kesa yung girl. Baka mangyari kami pa magkatuluyan ng mommy,” sabay tawa niya.

 Anyway since magkatrabaho sila ni Janella, wala ba siyang planong ligawan ito?

“Wala pa po sa ngayon mas ineenjoy ko lang talaga yung mga tao na nakakasama ko.”

Yung magiging girlfriend mo just in case kailangan bang i-approve ng mommy mo (Flor Santos na may-ari ng Mesa restaurant)?

“Para sa akin magugustuhan ko lang yung isang tao kapag mahal nila yung mommy nila. Parang yung mga ganong bagay hindi pinipilit yun eh.”

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with