Robi, nag-mature dahil sa jowa

Robi Domingo at Maiqui Pineda

Kamakailan ay naganap ang wedding proposal ni Robi Domingo sa kasintahang si Maiqui Pineda. Nangyari ito sa Tokyo, Japan habang nagbabakasyon ang dalawa kasama ang ilang malapit na kaibigan. Ngayon ay pinaghahandaan na ng magka­sintahan ang kanilangkasal.

“Yes, we are. It’s gonna be a short engagement. But of course, lahat ng mga decision, mapupunta sa kanya. As much as I want to say it’s a joint ce­lebration. It is actually, siyempre we are gonna be celebrating our love and marriage. Pero right now, totoo pala ‘yung sinasabi nilang ‘Happy life, happy life,” nakangiting pahayag ni Robi.

Mahigit apat na taon nang magkasintahan sina Robi at Maiqui.

Mula noong bago pa lamang ang relasyon ay naramdaman na umano ng binata na ang nobya na ang kanyang mapapangasawa. “Lagi nating sinasabi na kapag nakita mo ‘yung mahal mo, siya na ‘yung ‘the one.’ Every relationship, dapat siya na ‘yung ‘the one.’

“Pero magiging ‘the one’ lang siya kapag you are one with yourself already. Kasi kapag hindi ka pa kumpleto, hindi ka pa masaya, tapos lahat ng happiness mo at problema mo, isi-share mo sa kanya, workable siya pero hindi ka pa fulfilled.

“I guess meeting Maiqui, it’s His way of saying this is t­he moment, this is the time already. You’re ready, she’s ready. You’re both ready. Let’s make this happen,” makahulugang paliwanag ng TV host.

Malaki ang pasasalamat ni Robi sa nobya dahil sa pagiging maunawain ng dalaga sa lahat ng kanyang ginagawa. “The world na ginagalawan natin. It’s hard lalo na if you’re not used to it. So kinaya niya, kaya naman ang isang promise ko is kahit anong mangyari, kakayanin ko rin. The best thing about Maiqui is she gives me purpose. And I found that purpose most especially during the pandemic. Ako, yes, I want to see her but I felt her more no’ng hindi kami nagkita. Kasi alam kong gina-guide niya ako palagi. She made me more mature regarding my decisions,” pagtatapos ng binata.

Ritz, lumaki nang maging misis

Mula nang mag-asawa noong isang taon ay nagpahinga muna sa show business si Ritz Azul. Matatandaang nagpakasal sina Ritz at Allan Guy sa Baguio noong November 20,2021.

“Choice ko po ‘yon. Kung ano po ang dumating na offer, pwede ko namang tanggihan at pwede ko rin naman pong tanggapin. And medyo  lumaki ako. Sabi nila, hiyang daw sa pag-aasawa. I wasn’t doing anything for a while. But now, slowly, I’m going back to acting with new offers and I’m also back to dieting and exercising to get rid of the weight. I gained while I wasn’t busy,” pagtatapat ni Ritz.

Ngayon ay kabilang ang aktres sa Mamasapano: Now It Can Be Told na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022.

Kahit suportado ng mister ang pagiging artista ay magkakaroon na raw ng limitasyon si Ritz sa mga proyekto. “Siyempre may restrictions na rin tayo.  May limitations dahil may asawa na. Masaya po ako ngayon sa buhay ko. Ngayon ko lang din na-experience ‘tong ganito sa halos more than 10 years ako sa industry. Ngayon gagawin ko ang gusto kong gawin. Nag-i-enjoy po ako ngayon kaya medyo lumaki po ako,” natatawang pahayag ng aktres. (Reports from JCC)

 

Show comments