Mga aso, mas loyal kesa sa ibang tao!

Kundi lang matanda na ako at takot na maiwan ang mga pet ko na baka walang mag-alaga at magbantay, baka tanggapin ko pa rin mga inireregalo sa aking mga aso.

Kasi nga talagang pag nakita mo ang eyes ng isang dog na parang nagmamakaawa sa iyo, imposible na hindi mo siya mahalin.

Ewan ko kung anong magic meron ang mga mata ng isang aso pero talagang iyon ang magic nila na nagpapalambot ng puso ko.

Kaya nga hindi ko maintindihan kung paano nasasaktan ng isang tao ang aso, na pag nakita mo ang mga mata ay ang amo at parang puno ng pagmamahal para sa iyo, sasaktan mo pa ba na alam mo namang wala silang kalaban-laban sa ‘yo.

Sa lahat ng movie na may kasamang aso, na ipinapakita kung paano nila mahalin ang may-ari sa kanila, talaga ngang sasabihin mo na dog is a man’s best friend.

Iba talaga ang loyalty ng aso.

May nabasa rin ako na ang mga aso ay may magagandang memorya.

Nakakalimutan daw ng iyong aso ang paghila mo sa kanilang buntot pero hindi nila malilimutan ang koneksyon na ibinabahagi nila sa iyo, at kung mabuti ka sa kanila, mag-iiwan ka ng pangmatagalang epekto sa kanila na hinding-hindi nila makakalimutan.

Super agree ako dun at masabi ko talagang relate much ako sa ganun.

I love my dogs at ganundin sila sa akin.

Pero ngayon nga ayoko nang magdagdag dahil ‘di ko na rin masyadong maasikaso dahil nagda-dialysis ako.

 

Show comments