Ang husay-husay ni Dolly de Leon sa pelikulang Triangle of Sadness.
Ang pelikula na exclusively distributed sa bansa ng TBA Studios ang nagsilbing opening film sa ginaganap na QCinema International Film Festival 2022 – noong Nov. 27 – na ginanap sa Gateway Cineplex at pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Tumanggap ng standing ovation si Ms. Dolly pagkatapos mapanood ng jampacked audience ang Triangle...
Kararating lang ng aktres mula sa Amerika.
Sinabi ni Ms. Dolly na lumahok siya sa kampanya ng mga producer ng Triangle of Sadness para ligawan ang mga miyembro ng Academy Awards upang siya ay piliin bilang finalist sa 2023 Oscar Best Supporting Actress.
Nauna nang nanalo ang pelikula ng Cannes Palme d’Or or Best Picture award.
Kilalang pa-extra extra lang sa mga Tagalog film si Ms. Dolly pero sa Triangle of Sadness ay lutang na lutang ang galing niya at nagampanan ng buong husay ang character ng isang Pinoy overseas worker sa luxury yacht na pelikula ni Ruben Ostlund.
Nag-umpisa siyang isang ordinaryong worker sa nasabing luxury yacht sa part 1 ng kuwento hanggang na-develop ang character sa part 2 pero sa part 3 ay isa na siyang boss.
Isa itong dark comedy pero hindi nakakainis at may katuturan ang mga eksena.
Nauna na ring tumanggap ng iba’t ibang papuri si Dolly sa film critics matapos itong ipalabas sa Cannes ganundin sa Toronto Film Festival at New York Film Festival.
Bilang cleaning lady Abigail, pinangalanan na rin siya ng Variety bilang top three contenders sa best supporting actress category sa Oscars.
“Her committed turn not only makes her the defining supporting performance of the year thus far but also, if enough Academy members make a note to focus on quality (and not simply name recognition as they can often do), she could be the frontrunner walking into awards season,” ayon sa lumabas na article ng senior editor ng Variety na si Clayton Davis.
Ang Triangle of Sadness ay umiikot sa mga guest and crew ng isang napapahamak na cruise ship na ang mga tungkulin sa lipunan ay nabaligtad pagkatapos ng isang sakuna sa dagat.
Ito ay exclusively distributed sa bansa ng TBA Studios na siya ring distributor ng isa pang Cannes-winning film Plan 75 na isang entry sa main competition ng QCinema.
Pagkatapos ng QCinema, mapapanood ang pelikula sa mga sinehan nationwide umpisa sa Nov. 30.
Starring din dito sina Harris Dickinson, Woody Harrelson, Henrik Dorsin, Zlatko Buric, Iris Berben, Sunnyi Melles, Vicky Berlin, Oliver Ford Davies at ilan Pinoy actor na nagsasalita ng Tagalog sa kanilang mga eksena bilang worker na luxury yacht.
Sa ngayon ay may talent agent na si Dolly sa US.