Paolo at Yen, legit na ang relasyon!
Matapos ang ginawa ni Yen Santos nang manalo siya ng award sa URIAN kung saan talagang sinabi niya na fan siya ni Paolo Contis at isa itong mahusay na artista, ito at umamin na rin si Paolo.
Aniya “Happy Birthday My Best Actress!”
Bongga.
Walang masama kung umamin sila sa relasyon nila dahil pareho silang walang commitment. Mukha namang good influence sila sa isa’t isa dahil parehong maganda ang dating nila. At happy ako para sa kanila. Matagal na rin namang walang lovelife si Paolo at sabi ko nga kalmante ang dating niya ngayon kaya baka good influence si Yen sa kanya.
Life is short, make the most out of it. Kung saan ka happy, doon ka, don’t let anything stop you to have that happiness. Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy.
Bong, mamimigay ng mga kotse at motor sa Pasko!
May malaking pa regalo sa fans at followers niya si Bong Revilla this coming Christmas. Imagine mo na dalawang kotse at 10 motorcycle ang papremyo niya sa kanyang Facebook Live.
Talagang siksik na siksik pati na sa premyong cash kaya naman triple ang inilakas ng kanyang social media game.
Hindi mo aakalain na mag-e-enjoy ng ganito si Bong sa kanyang social media account na talaga namang pinaglalaanan niya ng oras dahil marami ang napapaligaya niya.
Hindi rin niya akalaing ang laki ng makukuha niyang suporta sa sponsors na talagang all out sa pagbibigay ng premyo. Noong birthday niya, isang kotse at 10 motor din ang premyo, ngayong Pasko, dalawang kotse na at 10 motor ulit. Huwag pang bilangin ang cash prizes na talagang malalaki rin. Bongga, Bong, talaga.
- Latest