Mel walang alam sa tunay na kalagayan ni Mike, umaasang ‘di totoo ang chika sa kanilang katapat

Mel Tiangco

One month ang celebration ng 20th anniversary ng Magpakailanman hosted by Ms. Mel Tiangco.

At ngayong gabi, mapapanood ang kuwento ni Maegan Aguilar na gagam­panan ni Sanya Lopez.

Sa kabila ng paghihirap at panghuhusga ng karamihan, nanatiling matatag si Maegan Aguilar.

Tunghayan ang kanyang tunay na kuwento sa Listen to my Heart: The Maegan Aguilar Story, ang ikalawang bahagi ng 20th anniversary special ng #MPK.

Kaugnay nito ay humarap din si Ms. Mel sa ilang entertainment press kahapon.

At tuwang-tuwa ito na finally ay nagkaroon na ulit ng face-to-face event na tulad ng press conference.

Nagpapasalamat din siya na nalampasan ng Magpakailanman ang pandemya at nagpapatuloy ang programa sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood.

May bali-balitang mag-e-end na rin ang MMK (Maalaala Mo Kaya) na katapat ng Magpakailanman pero wala pang official statement from ABS-CBN tungkol dito, anong masasabi ni Ms. Mel tungkol dito?

“I’m sad, I mean I don’t like that. Kasi ano na ‘yung Maalaala Mo Kaya… classic na, kumbaga. Talaga? Nag-stop taping na sila?

“Hindi, noong panahon ng pandemic, akala ko katulad lang namin talagang walang taping kasi pandemic. Akala ko ganon. That’s really sad. I’m sad for Charo (Santos-Concio)”

Anong message ang gusto n’yong iparating sakaling totoo ito?

“Syempre I hope it’s not true, ‘di ba, because walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya. It’s a class of its own, ang Maalaala Mo Kaya, ‘di ba. Talagang hindi biro ‘yung pagkanatapat ka noon sa Maalaala Mo Kaya. Ah naku, magdasal ka na sa lahat ng santo. Hindi mo matatalo ‘yan. Eh, tumapat na talagang makapal ang mukha ko... Biro lang,” game na sagot ni Ms. Mel.

Anyway, natanong din namin si Ms. Mel kung kumusta na si Mike Enriquez na co-anchor niya sa 24 Oras at matagal-tagal na ring hindi napapanood sa nasabing news program GMA 7?

Tinawagan niya ba ito? “Baka naman sabihin pati ako nantsitsismis,” umpisang sagot niya.

“Malulungkot din naman ako ‘pag sinabi niyang... lalo na nung lumabas ‘yung fake news. Siyempre nagtatawagan kami ng mga staff... sasabihin naman nila ‘ hindi tita.’ Siyempre, naniniwala ako sa kanila.”

Huli silang nagkita bago nag-leave si Sir Mike sa 24 Oras “kasi kailangan niyang magpa-test. Eh hindi pa siya bumabalik,” aniya pa.

Samantala, bagama’t nahirapan siya noong pandemic marami rin namang naging realization ang batikang TV host / news anchor.

“Pwede pala ‘yon. ‘Yun lang ang aking masasabi. Pwede pala ‘yung ganon na ang buhay natin less stress, mas nagkakaintindihan pero of course napakahirap ng pinagdaanan natin nung pandemic na ‘yan. Imagine, kailangan pala ng pandemic. It needed so many people going, para maano sa atin ‘yun na wala palang masarap kundi ‘yung tahimik tayo. Let’s do our faith ‘yung walang negativities. ‘Yun ang realizations ko nung absent kami nang absent, absent ako nang absent, ang hirap nu’n.”

Tulad sa karamihan ngayon, nagka-COVID din ba si Ms. Mel? Kelan po kayo nagka-COVID?

“Ito lang year na ‘to pero very mild. Thank God, very mild. Hindi ko napansin. Sumakit ‘yung lalamunan ko, kinabukasan nawala ‘yung sakit ng lalamunan ko, sinipon lang ako tapos wala na. Kasi naman ako, may rhinitis ako kaya kung makikita n’yo, luha ako nang luha. You know, it’s basically allergy, rhinitis allergy. Lumalabas, eh, so ‘pag inubo ako, ‘ano kaya ‘to, rhinitis ko or… ‘yung ganon. Kaya hindi ako nagbibiro ‘yung sinabi kong ‘may sipon ka lang, ninenerbyos ka,’ ‘di ba? Kasi ganon, ‘yun pala negative naman ako. Ang gastos sa PCR, ayoko ng Antigen, baka mamaya false yan. Kahapon nag-PCR ako for today.”

Lagi kayo nagpi-PCR?

“Oo, saka dito sa Magpakailanman. It’s a requirement at GMA so parati kami, ako, PCR nang PCR.”

Show comments