^

PSN Showbiz

Martin, panalo sa pakikisama!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Martin, panalo sa pakikisama!
Martin

Naku, Ateng Salve, ang daming nag-i-invite sa akin mamayang gabi, pero lahat ay tinanggihan ko dahil hindi ko puwedeng palampasin ang M4D (Martin 4 Decades) 40th anniversary concert ni Martin Nievera sa The Theater at Solaire.

Isa si Martin sa pinaka-love ko sa showbiz dahil in fairness to him, sobrang love rin niya ang entertainment press, huh!

Remember, Ateng Salve, 10 years ago nang mag-30th anniversary concert siya, aba, nag-grill pa siya ng burger patties para sa pa-presscon niya noon at sobrang inasikaso niya ang mga imbitado roon.

Saka alam mo, Ateng Salve, kapag nagkakasama kami abroad ni Martin, sobrang asikaso niya ako (at ng personal manager niyang si Joy Alonzo).

Si Martin ‘yung tipong kapag magkasama kayo sa isang lakaran at pauwi ka na, tatanungin ka talaga niya kung may sasakyan ka ba at kung wala, pipilitin ka pa niyang ihatid, pero siyempre, nakikipagpilitan naman ako na mag-u-Uber na lang.

In fairness din kay Martin, siya ‘yung celebrity na matindi ang tiwala sa entertainment press. Alam niyang mag-appreciate ng tulong natin, Ateng Salve, kaya naman hindi siya pumapayag na hindi magpa-presscon para sa kanyang mga project.

Sabi nga ni Martin, ang entertainment press ang dahilan kung bakit namayagpag ang career niya mula noon hanggang ngayon.

Anyway, maraming suprises mamayang gabi sa M4D (Martin 4 Decades) 40th anniversary concert niya kaya hindi ‘yon dapat palampasin, huh!

Lovi, tahimik lang sa kanyang charity work

Naku, Ateng Salve, nasa Tagaytay City ako kahapon with balikbayan-friend Tim Evans kaya hindi ako naka-attend sa presscon ng ABS-CBN for Lovi Poe.

Para sa Flower of Evil na ipinapalabas na rin ngayon sa TV5 at A2Z tuwing Monday hanggang Friday, 9:30 p.m., kaya iniharap siya ng Dreamscape Entertainment sa press, bloggers at vloggers.

Anyway, next week naman ay makikita ko si Lovi dahil sasama ako sa isang charity work niya para sa mga bata.

Excited si Lovi para sa event na ‘yon, pero hindi niya ikinukuwento.

Some years back, sinamahan na rin namin si Lovi nang magpa-event siya para sa charitable institution na sinusuportahan niya at talagang sobrang mahal niya ang mga batang ‘yon.

‘Katuwa lang na kahit busy si Lovi, talagang naglalaan siya ng oras para sa mga batang sinusuportahan niya.

Anyway, may isa kaming tinanong kung kailan ba magsisimula si Lovi para sa bago niyang proyekto sa ABS-CBN at ang sagot sa akin ay very soon.

Bongga... ‘Yun na!

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with