Paolo, super proud sa Urian best actress ni Yen!
Kabadung-kabado si Yen Santos nang dumating sa Cine Adarna Theater sa UP Diliman nung Huwebes ng gabi para dumalo sa 45th Gawad Urian Awards.
Si Yen ang isa sa nominado sa kategoryang Best Actress dahil sa magaling niyang pagganap sa pelikulang A Faraway Land nila ni Paolo Contis.
Siya lang mag-isang dumating, at hindi nasamahan ni Paolo, dahil nasa shooting ang Kapuso actor.
Lalo siyang kinabahan nang tinawag ang pangalan niya bilang nanalong Best Actress.
Medyo nanginginig pa ang boses niya sa kanyang acceptance speech na nagpasalamat sa MAVX Productions na siya ang kinuhang bidang babae ka-partner si Paolo. Ganundin sa director nitong si Veronica Velasco, pati sa mga staff at crew na nakatrabaho niya sa Faroe Island.
Pagdating kay Paolo, sinabi niyang number one fan siya ng aktor. Aniya: “And of course, to my leading man Paolo Contis — sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo. I’ll always be your number 1 fan.”
Nagpasalamat si Yen sa ilang miyembro ng Urian na sinabi nga sa kanya ni Ma’am Gigi Alfonso, lahat daw sila ay bumoto sa kanya.
Pagkatapos ng awarding, kaagad nag-post si Paolo sa kanyang Facebook account na binati niya ang rumored girlfriend. Sabi niya: “Congratulations @Lilieyen Santos. I’m soooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile.”
Samantala, maayos ang ginanap na pamamahagi ng award ng mga Manunuri. Hinakot ng pelikulang On The Job: The Missing 8.
Sa labindalawang kategorya, siyam ang nakuha ng naturang pelikula, pero pagdating sa Best Picture ay naka-tie nito ang Big Night ni direk Jun Lana.
Sa acting category, pawang mga artista ng On The Job ang nagwagi. Si John Arcilla ang Best Actor, si Dante Rivero ang Best Supporting Actor at si Lotlot de Leon ang Best Supporting Actor.
Naging emotional si Lotlot nang tanggapin ang award, dahil dati raw ay hinihimas-himas lang daw niya ang mga tropeyo ng Mama Guy (Nora Aunor) niya, ngayon ay may sarili na rin siyang tropeyo mula sa Urian.
Congratulations sa mga nagwagi!
Toni, silence ang sagot sa mga basher
Ang ganda ng mga pahayag ni Toni Gonzaga pagdating sa positivity at pag-ignore sa mga nega nang humarap siya sa ilang entertainment press nung kamakalawa lang, para sa promo ng anniversary concert niyang I Am… Toni sa Jan. 20 na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Pasasalamat at pagmamahal ang gusto lang niyang sabihin at ayaw na niyang sagutin pa ang mga nagsasabi ng kanegahan o namba-bash sa kanya.
Tinanong ko kasi siya kung magbibigay siya ng mensahe sa mga taong pumupuna at hindi naniniwala sa kanya, ano ito na sisimulan niya sa linyang I am Toni… Mabilis ang sagot niyang “I am quiet!”
Dagdag pa niyang pahayag: “Silence is the best answer. No response is the best response. Sa mga hindi magagandang bagay, I am quiet na lang siguro.
“We are not a fighter, we are a lover. We only speak about the things we love. I do not like speaking about hate. Because, love always wins. Winner lang tayo. Love lang tayo. Puro pagmamahal, because the energy you give is the energy you will receive. So, puro love lang tayo dito. Puro pagmamahalan.”
Nagpapasalamat si Toni sa lahat na mga sumusuporta at patuloy na naniniwala sa kanya.
“I am Toni, and I am very grateful. I am grateful for the love, for the support, for the belief that they still have in me and isa sila sa kinu-consider kong pinakamalaking biyaya na meron ako sa industriya,” seryoso niyang pahayag.
Sabi pa ni Toni, itong linya niyang I Am… Toni na titulo sa kanyang concert ay affirmation daw ito para sa kanya. “Kaya ‘yun naging I Am… Toni, it’s because during the pandemic I realized the power of affirmation.
“I read this book that it says there, anything that you says after I am follows you and you become. Parang, you have to say it out loud what you want to become. And then, I’ve been doing that for almost two years now, ‘yung I look at myself in the mirror, and I tell myself what I want myself to hear. I am beautiful, I am blessed, I am grateful, I am confident.
“There’s so many I ams that I recite to myself. But overall, what I always say every morning is that, I am blessed, and I am grateful. Grateful that I am still here, grateful that I am still alive, grateful that I can still do what I love to do. And I am grateful that every morning I’m given another chance and opportunity to change each people’s lives because of my job,” saad ni Toni Gonzaga.
Itong I Am… Toni na concert ay selebrasyon ng 20th anniversary niya sa kanyang showbiz career at pati na rin ang kanyang kaarawan.
- Latest