Bugoy, European ang bagong inspirasyon

Bugoy Drilon

Masayang ibinahagi ni Bugoy Drilon na mayroon ng bagong nagpapatibok sa kanyang puso ngayon. Ayon sa singer ay foreigner muli ang kanyang dini-date ngayon. “Lahat ng naging ex ko foreigner. I’m dating someone now, non-showbiz, foreigner, European siya. Nag-meet kami sa New York recently lang. I think kinonek kami ng friend ko sa kanya. Kasama ko si Khel (Michael Pangilinan) no’n. Same na same age kami. And then nag-meet ulit kami sa LA. Pumunta din siya ng LA. She might come here (sa Pilipinas) kasi nasa Japan siya ngayon dahil sa business niya. Hopefully next month magkita kami. Kung hindi next month, baka this month dito pumunta siya,” pagtatapat ni Bugoy.

Maraming mga bagay umano ang natutunan ng binata sa mga dating naging relasyon. “Normally sa mga relationships ko, ako ‘yung naghahabol. So ngayon I’ll go with the flow. Kung para siya sa akin, para siya sa akin. Kung hindi siya para sa akin, it means na may ibang para sa akin. There are things kasi na we cannot control. We’re not rushing naman anything. We’re still getting to know each other. Na-realize ko siguro sa mga experience ko kasi it’s a constant process. It’s a constant learning. I have to learn from my mistakes. Kasi kung hindi ka matututo sa mistakes mo, you’re not going to go futher. Stagnant ka na do’n sa isang place na ‘yon because you become comfortable and you aren’t afraid to risk something. But life is about risk. Go big or go home,” makahulugang paliwanag ng singer.

Aiko, nangangarap magkaroon ng pangatlong anak

Maglilimang taon nang magkasin­tahan sina Aiko Melendez at Jay Khonghun. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap muling ikasal ang apatnapu’t anim na taong gulang na aktres sa nobyong politiko. “I still want to get married, of course. But I don’t want to be in a wedding gown at 50. Time is ticking,” natatawang pahayag ni Aiko.

Matatandaang unang ikinasal ang aktres kay Jomari Yllana at nabiyayaan ng isang anak na si Andre Yllana. Muling ikinasal si Aiko kay Martin Jickain at nagkaroon din ng isang anak na si Marthena Jickain. Nangangarap din ang aktres na magkaroon sila ng anak ng Zambales Representative. Ngayon ay dalawampu’t apat na taong gulang na si Andre habang si Marthena naman ay labing-anim na taong gulang na. “Maganda ang lahi ko in fairness. If you look at Andre, the eyebrows are the only thing he got from his father. But his eyes and nose he got from me. Marthena is my mini-me. Malakas talaga ang dugo ko. I’m at a point where I want to freeze my eggs. Because looking at my two children, I can say that my genes are strong,” giit niya.

Ayon kay Aiko ay talagang kasundung-kasundo ng kanyang dalawang anak ang nobyo. Si Jay lamang umano ang aprubado nina Andre at Marthena sa mga naging kasintahan ng aktres. “They’re close. He’s the one boyfriend I had my kids found approachable. They go to him when they have problems. Marthena talks to him. He and Andre go out,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)

Show comments