^

PSN Showbiz

'Yoko na pagod na ko': Sharon Cuneta trip na magretiro, susulpot-sulpot na lang

James Relativo - Philstar.com
'Yoko na pagod na ko': Sharon Cuneta trip na magretiro, susulpot-sulpot na lang
Litrato ni Sharon Cuneta habang umaawit sa isang konsyerto nitong Oktubre 2022
Mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

MANILA, Philippines — Pinag-iisipan na ni "Megastar" Sharon Cuneta na tumigil mula sa aktibong pagtratrabaho sa showbiz lalo na't napapagod na raw siya ngayong malapit nang maging senior citizen.

Ito ang ibinahagi ng beteranang singer-actress, Miyerkules, matapos magpaskil ng ilang sipi mula sa libro ni Joanna Gaines na "The Stories We Tell."

"This part really resonated with me because, well, I am 56 now - and I am just undeniably EXHAUSTED. Retirement is calling," sabi niya kahapon.

"Once in a while I can pop up in a movie or two, a concert, or a TV show, even a season or a series if it’s not too tiring. But I AM tired."

Nasa 12-anyos pa lang si Ate Shawi nang magsimula sa industriya, matapos niyang mag-record ng unang single para sa Vicor Music Corp. noong Enero 1978. Ang kanta niyang "Tawag ng Pag-ibig" ay prinodus ng tiyuhin niyang si Sen. Tito Sotto.

Pagsapit ng dekada '80, umarte na siya sa una niyang pelikula. Noong 2021 ay nakuha pa niyang mag-star sa pelikulang "Revirginized" ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap, kung saan nagpakita siya ng ilang daring na eksena.

"All I wish I could do is be with my family and take care of them. And do all those other things I always wish I could do but just couldn’t find the time for," dagdag pa niya.

"Please pray with me. Thank you so much and I love you all."

Ngayong taon lang ay naging busy si Ate Shawie na samahan ang kanyang mister na si dating Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, na noo'y nangangampanya sa pagkabise presidente habang katambal si dating Bise Presidente Leni Robredo.

RETIREMENT

SHARON CUNETA

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with