Angel at Neil, pinatunayang fake news ang kanilang hiwalayan!

Neil at Angel

Matapos idawit ang ex na si Maxene...

Para siguro matigil na ang mga pang-iintrigang hiwalay na sila ni Neil Arce, nag-post ang administrator ng Facebook account ni Angel Locsin ng picture nilang mag-asawa.

Nauna na silang nag-post ng wedding photos nila at kasunod ang “Happy midweek! Spread love” kung saan para silang nasa mountain (na umano’y isang throwback photo).

Iniintriga ang mag-asawang hiwalay at dinadawit ang pangalan ni Maxene Magalona na ex ni Neil ten years ago. Bagong hiwalay naman sa asawa si Maxene.

Ang alam ko actually na kuwento tungkol kina Neil at Angel ay nagbabalak silang tumira sa abroad.

Solid Kakampink ang mag-asawa at diumano’y sobrang na-disappoint si Angel sa resulta ng elections kaya nag-usap sila ng mag-asawa (na galing sa old money rich family si Neil) na bumili ng property somewhere in Europe kaya’t ‘di sila gaanong nagpaparamdam sa showbiz.

Show comments