Maureen, estudyante na Fil-Am model ang pinalit kay JK!

Maureen

Tikom pa ang bibig ni Maureen Wroblewitz tungkol sa kumalat na litratong may kasama siyang guwapong lalaki.

Kaya kinulit na lang namin ang ilang taong malapit sa kanya kung boyfriend na nga ba niya itong si guwapong boylet.

Hindi naman daw, sabi ng ilang napagtanungan namin. Marami raw ang nanliligaw kay Maureen, pero nagtataka sila bakit ito lang ang nakunan at kumalat agad.

Mukhang ang sweet nila ng guwapong lalaking ito, na kuha sa isang resort.

Sabi ng iba pang napagtanungan namin, dating stage pa lang daw ang dalawa. Pero hindi lang daw nila masabi kung sinagot na ba ito ni Maureen.

Nag-aaral pala dito ang lalaking ‘yun na isang Fil-Am at nagmu-model daw paminsan-minsan.

‘Yun lang ang nai-share sa amin.

Mukhang nagmu-move on na sina Maureen at JK Labajo, na sinimulan muna nila sa pag-unfollow sa Instagram sa isa’t isa.

Lalo namang gumuwapo si JK na seryoso na sa kanyang career.

Nakita lang namin si JK kamakailan lang sa press preview ng Livescream para sumuporta sa kaibigan nilang si Elijah Canlas.

Mukhang okay na okay siya at focused na raw muna sa kanyang singing at acting career.

Si Maureen naman ay pursigido sa kanyang acting career.

Unfortunately, hindi pa naipalabas ang dalawang pelikulang natapos niya, ang Runaway ka-partner si Kit Thompson at ang Take Me To Banaue kasama si Thea Tolentino at dalawang Hollywood actors.

Local movie producers, Hopia sa resulta ng Wakanda…

Okay ang rating ng pilot episode ng The Iron Heart ni Richard Gutierrez na nagsimula nung nakaraang Lunes, Nov. 14.

Kapansin-pansin lang na bumababa ang viewership sa free TV.

So far ang consistent lang na mataas ay ang Family Feud ni Dingdong Dantes at ang Maria Clara at Ibarra.

Samantala, hopia ang movie producers sa magandang resulta sa takilya ng Wakanda Forever.

Super hit ito sa takilya lalo na nung weekend na sold out daw ang halos lahat na mga sinehan.

Sana magtuluy-tuloy ito sa local films natin lalo na sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Nagsisimula nang maglabasan ang trailer ng walong pelikulang kalahok sa MMFF, at nagti-trending na ang ilan.

Nung kamakalawa lang ay inilabas ang trailer ng Family Matters ng Cineko Productions. Ang lakas ng dating ng trailer nito, at talagang may tama sa mga manonood.

‘Pag pamilya kasi ang tinatalakay sa isang pelikula, mara­ming nakaka-relate. Kaya ang daming comments na naiiyak na raw sila. Kinagabihan nag-trending na ito!

As of yesterday afternoon, mahigit 4M views na at patuloy pang tumataas.

Naka-text ko nga ang producer nito na si Mayor Enrico Roque, sobrang saya niya sa kinalabasan ng pelikula na dinirek ni Nuel Crisostomo Naval.

Ang gagaling daw ng mga artista nila na sina Liza Lore­na, Noel Trinidad, Mylene Dizon, Nonie Buencamino, JC Santos, James Blanco, Agot Isidro at Nikki Valdez.

Malaking bagay rin ‘yung theme song nilang Kahit Maputi na ang Buhok ko ni Rey Valera.

Narinig naming umabot ng kalahating milyon ang rights ng kanta para gamitin sa pelikula.

Ngumiti lang si Mayor Enrico Roque nang tinanong ko sa kanya kung tooong umabot ng P500K ang rights pa lang ng kantang Kahit Maputi na Ang Buhok Ko. “Bagay kasi talaga sa movie ‘yung song,” pakli ng Mayor ng Pandi, Bulacan at producer ng Cineko Productions.

Show comments