Ang cute naman ng kulitan nina Kate Valdez and Kelvin Miranda sa set ng Unica Hija. Ngayon pa lang ay may shippers na sila at binansagan pa sila ng netizens na KateVin.
Nakita ito ng netizens nang ipasilip ni Kate ang behind-the-scenes nila habang nagre-reading at blocking sila kasama ang director. Kita na komportable na ang dalawa sa isa’t isa base sa kanilang kulitan kaya naman kinilig ang fans.
Sila pala ang magiging love interest sa serye kaya excited na ang fans sa mga eksena na magkasama sila. Siguradong aabangan din ng fans ang mga kulitan nila. Bongga.
Herlene, grabe ang pinagdaanan sa Uganda
Grabe naman ang sinapit ni Herlene Budol sa pageant sa Uganda. Matapos nga nitong mag-back out sa pageant, nilantad ng manager niya ang mga naranasan niya sa competition.
Pinakita nito sa vlog ang hirap na pinagdaanan ng mga kandidata kasama si Hipon Girl. Nagre-rehearse ang mga ito sa init ng araw sa isang rooftop. At hindi man lang daw binibigyan ng kahit anong pagkain tuwing break time ang mga kandidata. Kanya-kanyang hanap din ang mga ito ng lugar kung saan sila puwedeng mag-stay.
Bago raw umuwi si Herlene ay may mga nauna nang mag-back out dahil nauubos na ang kanilang panggastos kung hindi pa sila aalis. Meron pa ngang iba sa kanila ang nilantad sa Instagram kung gaano kalaki ang kanilang ginastos pero hindi naman na-reimburse.
Nakakaawa naman pala ang mga kandidata. Sa rami ng preparasyon na kanilang ginawa ay nabalewala lang dahil nabudol pala sila.