Yassi, naghahanda na para sa bagong serye at pelikula

Yassi
STAR/ File

Maraming mga bagay ang natutunan ni Yassi Pressman dahil sa pagkakaroon ng pandemya. Para sa aktres ay malaki ang ipinagbago ng takbo ng kanyang buhay dahil sa mga pangyayari. “I think the pandemic really changed everybody especially myself as well. So many things happened. Family and friends, we’ve lost them but we’ve also gained a lot. So it’s always good to know that you’re never alone. I wouldn’t have survived the pandemic without them. Kasi alam mong meron kang masasandalan,” makahulugang pahayag ni Yassi.

Matatandaang huling napanood ang dalaga sa Kapamilya Channel sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano noong isang taon. May bulung-bulungan na posible nang lumipat ng istasyon si Yassi sa susunod na taon. “I haven’t seen it. I don’t know what you’re talking about,” natatawang reaksyon ng aktres.

“For next year, I have a lot of projects coming up. Hindi pa pwedeng sabihin pero madami kaming pinaghahandaan, isang pelikula, isang serye. Maliban do’n, marami pang ibang sorpresa,” pagpapatuloy ng dalaga.

Show comments