Bernadette mas niyakap ang buhay nang pumanaw ang anak

Emilio at Bernadette
STAR/ File

Labing-apat na taon nang kasal sina Bernadette Sembrano at Emilio Aguinaldo IV. Sa ngayon ay wala pa ring anak ang mag-asawa.

Matatandaang nagkaroon ng miscarriage ang sikat na brodkaster ilang taon na ang nakalilipas. “Hindi natin alam, baka magka-miracle baby din so hindi ko pa rin isinasara ‘yung possibility. Nag-attempt naman kami pero unfortunately nagkaroon kami ng miscarriage. Kaya ko sinabing kami, kasi kami namang mag-asawa ‘yon. Meron before na magiging baby dapat pero nagka-miscarriage kami back in 2018,” nakangiting pahayag ni Bernadette.

Ayon sa TV Patrol anchor ay sinubukan na rin nila ng mister noon ang IVF o In vitro fertilization upang magkaroon ng anak. “Meron akong endometriosis and meron akong myoma so meron talagang difficulty in bearing a child. Na-try namin through in vitro kaso nagkaroon ng miscarriage din. ‘Yon nga si Molly, that was back in 2018,” pagbabahagi niya.

Kahit nakunan noon ay nananatili pa ring positibo ang pananaw sa buhay ni Bernadette. Nakatanim na sa kanyang puso’t isipan ang bunga ng kanilang pagmamahalan ng mister.

“Ipinagpapasalamat namin na nangyari si Molly. And ‘yung palagi ko ring pananaw na kapag mahal mo ang isang tao, dapat hindi mo tinatapos sa kamatayan ‘yung pagmamahal mo.

“Lahat ng dreams ko nilista ko kasi matanda na ako. Meron akong wishlist so nilista ko siya. Sana ganito, sana maging maka-Diyos, sana passionate, sana marunong tumulong sa kapwa.

“No’ng nawala si Molly, the way to love her and continue loving her is to embrace the life that I wished for her. Mas naging bukas ako sa pag-serve sa church. Mas naging bukas ako sa passion ko. So parang iba ‘yung naging grasya sa akin. Mas ginamit ko siya para mas yakapin ang buhay and to allow her to live in my heart. Kung ano ‘yung ligaya na idinulot sa akin. Gusto kong magtuluy-tuloy siya by living a good life. Siguro gano’n ‘yung naging if you call it coping mechanism pero para sa akin gano’n ‘yung naging grasya,” paglalahad ng sikat na brodkaster.

Show comments