Kinilala ng Catholic Mass Media Awards (CMMA) ngayong taon ang mga inspirational na kanta ng Reverb Worship na pumukaw sa puso ng mga tagapakinig.
Nagwagi nga ang Pilipinas Natin ‘To performed by Bikolana Rhea Rodriguez and rising rapper Elai, bilang Best Inspirational Song.
Striking a chord with its ethnic, hip hop-rock vibe and lyrics that evoke nationalistic pride, the song seeks to inspire unity among Filipinos during these divisive times. “I can only say, this is a miracle!” Rhea exclaimed. “I praise God for this breakthrough. This is God’s project, and I was only used by Him. This is my first CMMA experience and I am beyond grateful for this award!”
Ang kanta, na inayos ng award-winning musical director na si Mon Faustino, sa unang pakikipagtulungan ni Rhea sa Reverb Worship, ang music arm ng CBN Asia.
“Nagpapasalamat ako sa lahat ng nakibahagi sa kantang ito. Mapalad akong maging bahagi ng Reverb Worship at makasama sila sa paghahatid ng mensahe ng pag-asa ng Diyos sa mundo. Lahat ng papuri at kaluwalhatian sa Diyos!”
Samantala, ang feel-good single ni Joselle Feliciano, Love and Light na panulat ng songwriter na si Adrian Crisanto at sa direksyon ni Icko Gonzalez, ay nakakuha ng Best Music Video Special Citation.
Nasa lahat ng digital platform ang Pilipinas Natin ‘To.