Myrtle, nag direk sa kanyang ‘big sis’; Aileen Go best dressed!
Spotted sa ginanap na Best Dressed Women of the Philippines XIX Grand Annual Ball si Myrtle Sarrosa. Pero para ‘di rumampa kundi para sumuporta sa kanyang ‘big sis’ na si Ms. Aileen Choi Go ng Megasoft.
Ito ay kahit na nga hectic aniya ang kanyang schedule.
“Sobrang busy ko talaga ngayon, pero si Big sis kasi ‘yan. I will really find time for her,” chika ni Myrtle bago nag-umpisa ang nasabing event na ginanap sa Shangri-La BGC.
Organized ang Best Dressed Women of the Philippines XIX Grand Annual Ball ng Philippine Cancer Society.
At ang nakakatuwa pa kay Myrtle, talagang ‘sister’ ang turing niya sa kanyang ‘bossing.’
Tinuturuan pa niya ito ng tamang anggulo o kung paano ito rarampa lalo na at ang laki ng venue at ang daming ‘tita’s of Manila’ na matagal ding napahinga sa mga sosyalan.
Pati ang anggulo sa camera para mas payat at maganda sa picture ay talagang panay ang ‘pagdidirek’ ni Myrtle.
“Nang makilala ko siya, I think, five years, six years ago, ibang-iba na talaga siya ngayon. I’m so happy for her,” proud na sabi ni Myrtle dahil ang laki raw talaga ng improvement, lalo na sa confidence ni Ms. Aileen, na nakita niya nung gabing ‘yun.
Nagturingan na ngang big and little sis sina Ms. Aileen at Myrtle dahil sa Sister’s Sanitary Napkin ng Megasoft kung saan si Myrtle ang endorser since i-launch ang nasabing produkto na pambabae.
Sa isang banda, abala pa rin si Myrtle ngayon ay ang kanyang online gaming world. At by the time na binabasa ninyo ito, malamang na nasa London or Singapore na siya dahil naimbitahan siya ng Call of Duty to compete.
Pero magsisimula na rin daw siya sa bagong teleserye naman sa GMA 7.
Samantala, successful ang nasabing event dahil andun ang mga kilalang personality para rumampa.
Kabilang doon si Pasig Vice Mayor Dodot Jaworski.
At dahil siguro matagal walang face-to-face event na ganung sosyalan, talagang literal na makinang ang nasabing event dahil sa naglalakihang mga diamond na inirampa ng mga ‘Titas of Manila.’
Congratulations again to Ms. Aileen. Tulad ng sabi ni Myrtle, ang galing na niyang rumampa, parang super model sa totoong buhay.
- Latest