Dalawang taon nang magkasintahan sina Michelle Vito at Enzo Pineda.
Mula noong naging opisyal na magkarelasyon ay pinagbawalan na umano ng aktres si Enzo na magpaseksi sa mga proyektong ginagawa. “Ako siguro nirerespeto ko kung ano ‘yung gusto ni Michelle. I understand where she’s coming from. And siguro, sa mga roles na ginawa ko before, I can say na I’ve been through a lot of sexy roles. Ang advice kasi ni Michelle sa akin maghinay-hinay ako. Kasi may tendency na baka ma-typecast na lang ako sa mga sexy roles at hindi na ako makapag-progress o makakuha ng ibang roles outside that,” pagbabahagi ni Enzo.
Ayon sa aktor ay hindi naman mahigpit sa ibang mga bagay ang kasintahan. “Very blessed ako na si Michelle ay mataas ang pasensya. May mga moments na I can say na medyo pasaway po ako pero she’s always there pa rin for me. And I’m just really blessed to have her. Somebody who loves me unconditionally. Si Michelle kasi is conservative, looks out for my wellbeing. I’m more lucky to have her,” giit niya.
Samantala, kasamang magbibida ni Enzo sina Albie Casiño, Lharby Policarpio, Royce Cabrera, at Aaron Concepcion sa Call Me Papi. Tatlong tatlong na raw ang nakalipas bago pa tuluyan natapos ang naturang pelikula. “The movie was shot in a span of three years because it was stalled by the pandemic. It’s really a miracle na natapos namin ito. Kasi we started shooting it before the pandemic and each time we’d continue, we’re stopped by new lockdowns and restrictions because of the virus. So we’re now very thankful that after three years years, ipapalabas na siya sa mga sinehan on Dec. 7,” pagtatapos ng aktor.
Andre, inaming nakararanas ng special treatment
Kabilang si Andre Yllana sa seryeng The Rain In España na pinagbibidahan nina Marco Gallo at Heaven Peralejo.
Nakaramdam daw ng pressure ang binata bilang isang artista dahil sa pagiging anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana. “Sa totoo lang po, para po sa akin ha, wala po talagang advantage, wala. Alam n’yo disadvantage pa nga po ‘yon. Kasi siyempre ‘yung pressure. Kasi parehas pong artista ang mga magulang ko. May pressure po talaga,” pagtatapat ni Andre.
Aminado naman ang binata na mayroon ding advantage paminsan-minsan ang pagiging anak nina Aiko at Jomari dahil sa special treatment na kanyang nararanasan. “May ilang instances po na nagagamit ko siya as an advantage, pero hindi naman po para gamitin pa. Siguro ‘yung mga instances na, ‘Ikaw pala ‘yung anak ni ganito, anak ni ganyan, dito ka.’ May special treatment po,” nakangiting kwento ng aktor. (Reports from JCC)