^

PSN Showbiz

Pauleen, nasulit ang pagiging ina

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pauleen, nasulit ang pagiging ina
Vic, Pauleen at Tali

Maraming natutunan si Pauleen Luna noong pandemya.

Natutunan nga nito kung gaano kaikli ang buhay at sinulit nitong makasama ang kanyang pamilya noong pandemya. Talagang kahanga-hanga si Pauleen dahil ayon sa kanya ay lagi niyang sinusubukang tingnan ang kabutihan sa bawat sitwasyon.

Kaya na-embrace raw talaga niya ang motherhood at nagkaroon sila ng mas mara­ming oras na magkasama, at talaga dino-docu raw talaga niya kahit ang little moments nila ni Tali. Masarap nga namang balik-balikan ang mga magandang alaala nilang mag-ina.

Kamakailan ay nag-birthday si Tali at limang taon na ito, at sobrang blessed ng asawa ni Vic Sotto sa kanilang baby girl.

David, agaw-pansin sa Maria Clara…

Ang bongga naman ni David Licauco dahil agaw-atensyon ito sa kanyang role sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Gumaganap ito bilang Fidel na kaibigan ni Ibarra na ginaganapan ni Dennis Trillo. Napapansin na ito sa serye kung saan bida rin si Barbie Forteza na wish ng ibang fans ay magkatuluyan sila. Kinaaaliwan sila ng mga manonood tuwing may eksena sila ng aktres at kinikilig ang mga ito sa dalawa.

Mas lalo pang dumarami ang fans nito nang malaman nila na malayo sa ginaganapan nito na arogante sa serye ang totoong personalidad nito sa totoong buhay.

Hindi lang pala ito isang aktor at model kundi businessman din pala ito. Very hands-on entrepreneur pala ang gwapong aktor na ito sa kanyang negosyo. Mas gumwapo pa ito sa fans dahil matulungin din pala ito at tumutulong sa charity.

Ang bongga pala talaga ni David. Siguradong mas dadami pa ang fans nito!

PAULEEN LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->