Jessy, nagsalita sa taong naninira kay Luis?!
Ang pagsasabi ng masama tungkol sa isang tao ay mas maraming sinasabi tungkol sa tunay na pagkatao ng naninira kaysa sa taong sinusubukan mong ibagsak.
Ganito in a nutshell ang Instagram story ni Jessy Mendiola kahapon.
Aniya pa, para sa mga misis, ayos lang na putulin ang mga tao sa buhay ng inyong asawa lalo na kung ito lang ang tanging paraan para maprotektahan siya at ang inyong pamilya sa ‘kapahamakan.’
Narito ang buong post ng misis ni Luis Manzano :
“When someone says something bad about you, always remember that it is the only way his/her insignificant self can feel better than you. The most important thing is, you know who you are and you don’t step on other people’s toes just to get where you are.
“Saying something bad about a person says a lot more about your true character than the person you are trying to bring down.
“Wives, it is okay to cut people off from your husband’s life, especially if it is the only way to protect him and your family from danger. Protecting your family fiercly is your duty as a mother and also as a wife. There’s a reason why God showed YOU their true colors.”
Kanya-kanyang hula ang netizens kung sinong pinatutungkulan niya.
Ang opinion naman ng iba, baka dahil buntis lang si Jessy kaya emotional ito.
Manganganak na ang misis ni Luis next month.
Aktor, nagwala sa airport nang malasing sa mahabang biyahe
Nagwala pala sa airport ang isang aktor.
Ang chika, dahil sa long haul o mahabang biyahe, nag-order ito nang nag-order ng free (hard) drinks sa eroplano.
Kaya ang ending, nangenge.
Pagbaba raw ng airplane, ayan na. Lasing na lasing na si kuya.
Buti na lang daw at hindi siya ikinulong ng mga airport personnel sa nasabing bansa.
Recently lang daw ito naganap.
Or baka lang nainip-inip kasi ang actor sa haba ng biyahe kaya uminom na lang.
Well, hindi lang naman siya ang nalalasing sa mga long haul flight.
Marami ring ibang pasahero kaya forgivable naman.
‘Yun nga lang, aktor siya kaya may ilang nakakilala sa kanya sa airport kahit pa malayo ang nasabing bansa.
- Latest