Piolo at Jericho, nakansela ang show sa Calgary
Alam mo, Ateng Salve, as I write this, katatapos lang ng meet & greet nina Piolo Pascual at Jericho Rosales sa isang Pinoy restaurant sa Houston, Texas para sa nag-sponsor ng kanilang show USA and Canada.
Dumalaw rin ang grupo nila sa Philippine Consulate sa lugar na ‘yon.
Bale Saturday ang show nila doon na (na 14 hours behind sa ‘Pinas, kaya bukas pa ng umaga ‘yon sa atin). Sa Houston Baptist University ang venue ng show at babalitaan daw kami ng show promoter na si Bojie Yangco ng magiging outcome no’n.
Anyway, ‘yung Nov. 4 show lang pala sa Vancouver ang natuloy sa two shows nina Piolo at Jericho sa Canada. ‘Yung Calgary show raw ay nakansela last minute.
Busy pa si Bojie sa Houston show nila, kaya hindi pa siya nakapagkuwento ng buong detalye ng cancellation ng Calgary show ng dalawang Kapamilya actor.
Tahimik lang daw ang dalawang aktor tungkol doon at ang sabi ni Bojie, “They are so considerate, kaya we’re very happy.”
‘Yung show naman daw nila sa Vancouver, “decent” at ok naman ang tickets sale.
Anyway, sa Sunday ang show nina Piolo at Jericho sa Sacramento, California at almost sold out na raw ang tickets. Bongga!
Kahit nga pala may hindi natuloy na show sina Piolo at Jericho, “We’re considering part 2 (second leg ng Canada and US tour),” sey pa ng promoter.
At least...
Jaya, puring-puri ang pakikisama sa Amerika
Noong Thursday ay magkakasama sa Burbank, California sina Pops Fernandez, Jaya at Kuh Ledesma.
Nag-rehearsal sila para sa 3 Divas show nila ngayong Saturday (bukas ng umaga sa atin) sa Fantasy Springs Resort Casino sa Indio, California.
Kahit magagaling na singers ang tatlo, talagang kina-career nila ang pagre-rehearsal, ‘noh?!
Aliw nga sina Pops at Jaya dahil nag-TikTok dance pa sila, huh!
Anyway, isa ang concert promoter-producer na si Tommie Mopia sa mga dumalaw sa rehearsal ng tatlo.
Malapit si Tommie kay Jaya.
Palaging nakasuporta si Tommie kay Jaya dahil ang galing din daw makisama ng Soul Diva sa mga kababayan natin sa Amerika.
Sobrang puri nga ni Tommie sa ugali ni Jaya.
Naikuwento rin ni Tommie na may mga show siya na pinaplano for Jaya.
Sa Amerika naman, Ateng Salve, basta mabait ang isang singer o artista, talaga namang maraming nagmamahal at sumusuporta.
‘Yun na!
- Latest