Kaya pala biglang nawala ang isyu kina Joshua Garcia at Fil-Am TikTok star na si Bella Poarch ay dahil may asawa na ito na ang latest, divorced na siya.
Unang lumabas ang tungkol dito sa online tabloid na TMZ kung saan nag-file raw ito ng divorce.
At kahapon ay kinumpirma na niya ito sa kanyang Twitter account. Aniya: Hi everyone,
“I’m sorry if everyone thinks I’ve been keeping a secret. I will address my divorce when I am ready to speak about it. In the meantime please respect mine and Tyler’s privacy.”
Parang ang daming kumbaga ay skeleton in the closet nitong si Bella na ang pangalan sa totoong buhay ay Denarie Bautista Taylor.
Imagine matagal niyang nailihim sa kanyang milyun-milyong followers na meron siyang asawa.