Charlene at Aga, naglagare sa birthday ng kambal na anak
Wow, time flies so fast talaga. Twenty one years old na pala ang kambal na anak nina Aga Muhlach and Charlene Gonzales na sina Atasha and Andres. Parang kailan lang.
Hindi na nga nasundan ang anak nilang kambal na nag-celebrate ng kanilang 21st birthday last November 5.
Sa Spain nag-aaral si Andres habang si Atasha ay sa United Kingdom naka-enroll ng college.
Kaya ang post ng dating beauty queen : “Wish I can be in two places at a time. Celebrated Andres @aagupy birthday last night in Spain. Will see you @atashamuhlach_ next week to celebrate with you in the Uk “love the both of you so much Thank you for being one of the best blessings in our lives.. We love you Andres and Atasha so much Happy Birthday.”
Sabi ni Charlene nang sandali naming naka-chika sa 70th birthday celebration ni tita Annabelle Rama recently, na aalog-alog na sila sa bahay ni Aga.
Pina-lease na rin nila ang farm nila sa Mataas na Kahoy sa Batangas.
Ang ganda ng nasabing farm na dati ay pinapasyalan namin, mga batang-bata pa ang kambal noon.
- Latest