Zanjoe at Ria, IG official na

Zanjoe Marrudo at Ria Atayde

Instagram official na nga ba ang relasyon nina Zanjoe Marrudo and Ria Atayde?

Finally ay nag-post si Zanjoe ng photos nila ni Ria nung bakasyon nila sa Japan.

Pero walang caption though may solo photo si Ria at iba pa nilang kasama na sina Daniel Padila, Kathryn Bernardo, and Joshua Garcia.

Bagama’t meron silang dalawa na magkasama pero ‘di sweet. Casual na nagce-cell phone.

Nauna nang inamin ng mommy ni Ria na si Sylvia Sanchez na nanliligaw si Zanjoe kay Ria at maraming flex sina Joshua at Kathryn ng sweetness ng dalawa habang nasa Japan sila.

 

Show comments