‘Kaaliw ang isang singer na nakakatukso ang beauty noong araw, Ateng Salve. Hindi pala siya napipikon kapag binibirong “Salamat po, Doktor” dahil aminado naman siya na may mga pinaretoke talaga siya.
Hindi rin niya ikinakaila na nagpa-liposuction din siya.
At least, hindi katulad ng ibang celebrities si singer na kahit obvious namang nagpagawa rin sila ng kanilang mga mukha ay hindi man lang maamin ‘yon.
May isang aktor nga na iba na talaga ang hugis ng ilong, pero never umamin.
May ilang artista nga na nagparetoke sa isang beauty surgeon sa may Greenhills noong nagsisimula pa lang sila, pero kahit lumipat na sila sa isang mas sikat na beauty clinic, never nilang pinag-usapan ang tungkol doon.
Dare nga ng isang kakilala ko, tutal naman ay may kanya-kanyang YouTube account na ang mga artistang ‘yon, puwede raw kaya na isa sa episodes nila ay i-reveal nila ang ginawang pagpaparetoke at kung sino ang beauty surgeons na may kagagawan ng kanilang lalong pagganda?
Well, for sure, million views ‘yan kung gagawin nila, ‘noh?!
Kyle, napuring batang richard
Si Kyle Echarri ang gumaganap na young Apollo (Richard Gutierrez) sa Kapamilya series na The Iron Heart. In fairness, ang ganda ng exposure niya sa trailer ng pinagbibidahang ABS-CBN series ni Richard na magpa-pilot telecast na on November 14, 8:45pm sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV, iWantTFC, TFC (The Filipino Channel), ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iba pang platforms ng Kapamilya Network.
Nang maka-chikahan namin si Annabelle Rama, approved na approved sa kanya ang napili ng Star Creatives para gumanap na young Richard sa action-drama series ng anak.
Richard na Richard daw ang dating ni Kyle sa mga eksena nito.
Bilib din si Bisaya kay Kyle dahil nakasama nila ni Ruffa Gutierrez sa Ormoc City ang Kapamilya young actor. Bukod daw sa mabait ay sobrang sikat. “Sobra siyang tilian at palakpakan noong nasa Ormoc kami,” ang sey ni Bisaya.
Anyway, bukod kay Kyle, napagchikahan din namin ni Bisaya ang komento ng marami na ang bongga ng promotions ng The Iron Heart. Aba, may isang talent manager nga na tumawag sa akin dahil bilib na bilib at ang ingay ng grand media launch ng action-drama series ni Richard.
Bongga!
Edu, myrtle, at aljur absent sa promo ng mamasapano
No show sina Edu Manzano, Myrtle Sarrosa, at Aljur Abrenica sa second presscon kahapon ng pelikulang Mamasapano: Not It Can Be Told na isa sa official entries sa 2022 Metro Manila Film Festival.
In fairness, wala namang negative reaction ang producer na si Atty. Ferdinand Topacio.
Iniintindi niya na may ibang trabaho ang mga hindi naka-attend sa kanilang pa-presscon.
Pero kahit naman wala ang ibang mga artista, kay Atty. Topacio pa lang ay sulit na sulit na ang presscon. Ang dami niyang quotable lines kahapon, huh!
Ang bongga ng pagkakasabi niya ng, “Masama akong kaaway,” na dedicated sa mga nang-iintriga sa kanyang pelikula.
Naku, Ateng Salve, kung isasapelikula ang buhay mismo ni Atty. Topacio, ang colorful no’n at siguradong pag-uusapan, at malamang na kumita, huh! ‘Yun na!