MANILA, Philippines — Diretsahang inamin ng aktor at TV host na si Matteo Guidicelli na nag-"cheat" na siya noon sa isang karelasyon — pero kung kanino at kung kailan, hindi na niya idinetalye.
'Yan ang nabanggit ng aktor sa noon time show na "Tropang LOL" habang pinag-uusapan kung totoong likas na polygamous ang mga kalalakihan o hindi makuntento sa isa.
Related Stories
"I have [cheated] in the past before. I have, I have. Honestly speaking," sagot ni Matteo, Lunes, matapos tanungin ng kapwa host na si Alex Gonzaga.
"But you know, once you find the purpose, that meaning, that partner... talagang you will know the direction that God wants you to go to."
"Kasi temptation... I'm sure everyday may temptations tayo," dagdag nito.
Si Matteo ay asawa ng singer-actress na si Sarah Geronimo, at kilala ring ex-boyfriend noon ni Maja Salvador.
Agosto 2022 lang nang maging trending sina Matteo at Alex, lalo na't nag-aasaran sila patungkol sa mga dati nilang jowa on-air kahit na pare-pareho na silang may asawa. Palagian ding biruin ni Alex si Matteo sa mga babae sa show.
"On a serious note, totoo namang men are born 'hunters,'" dagdag pa niya.
"Pero on a serious note, I'm sure everybody here has gone through mistakes in their lives."
Palagay ng ibang hosts
Hindi sang-ayon ang komedyanteng si Bayani Agbayani sa naturang pahayag na natural na unfaithful ang mga lalaki, lalo na't wala raw sa kasarian kung magiging tapat ang isang tao o hindi.
Ibinatay naman ni Alex ang kanyang pananaw sa isang librong kanyang nabasa, bagay na nakikita niya kung bakit madalas daw magloko ang mga lalaki.
"Kasi raw, men are born hunters. So mapaghanap kasi simula pa noong panahon ng homo sapiens... homo erectus... ang mga lalaki na ang naghahanap ng kakainin," ani Alex.
"So they are born to hunt. 'Yun ang sinasabi. Pero siyempre hindi maganda kapag may karelasyon ka na pero bukas pa rin ang iyong mata [sa iba]."
Sabi naman ni Isabelle Daza, malamang ay nagmula ito sa makasaysayang kagustuhan ng kalalakihang "cavemen" na mag-procreate upang ikalat ang kanilang lahi.
Naniniwala naman si KC Montero na "conscious decision" ang pagtataksil, bagay na pwede raw mapigilan oras na magsimulang maghanap ng perpektong karelasyon.