^

PSN Showbiz

Pero may humirit din na kamukha ni Julie Anne San Jose Sue, kinumpara kina Anne Hathaway at Lisa ng Blackpink!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Pero may humirit din na kamukha ni Julie Anne San Jose Sue, kinumpara kina Anne Hathaway at Lisa ng Blackpink!
Sue Ramirez

Massive ang reaction sa bagong hairdo ni Sue Ramirez.

Gandang-ganda sila.

At kinumpara pa siya sa Hollywood actress na si Anne Hathaway.

Dahil sa bangs.

Bukod kay Anne Hathaway, naging kamukha rin daw siya ni Lisa ng Blackpink.

Pero may local din naman.

May ibang nag-comment din na kamukha siya ni Julie Anne San Jose.

Sa media conference kasi ng The Iron Heart ay in her element si Sue na kunsabagay ay lagi naman.

Talagang pansin na pansin ang kanyang bagong look.

Isang con artist ang role ni Sue sa The Iron Heart. Pero ayaw niyang magbigay ng masyadong detalye dahil ibang level daw ang pagiging con artist niya.

Samantala, bukod sa magandang takbo ng career, bongga rin ang lagay ng puso ni Sue.

Going strong ang relasyon nila ni Mayor Javi Benitez ng Victorias City.

At first lady na ang peg niya.

Lahat ng mahahalagang okasyon sa nasasakupan ng karelasyon ay present siya at nasa tabi ng anak ng bilyonaryong pulitiko, Bacolod Mayor Albee Benitez.

Kaya naman rubbing shoulders si Sue sa mga katropang pulitiko ni Mayor Javi na sina Cong. Sandro Marcos, at iba pang kabataang pulitiko na third generation na kumbaga ng pamilya ng mga pulitiko sa bansa.

 

SUE RAMIREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with