Carla, mahilig sa horror

Carla Abellana

Fan pala ng horror movies si Carla Abellana. Kaya naman na­ging excited siya sa thriller series para sa Daig Kayo Ng Lola Ko na may four-week Halloween special Game Over beginning this Sunday (Nov. 6).  “Maganda na we get the opportunity to explore other genres na break sa nakasanayan naming heavy drama. Kakaiba ito, talagang pinaghandaan hanggang sa cinematography at effects. Makaka-relate rin sila lalo na ang mga mahilig sa mobile games at K-Drama. Pang-Gen Z at young adults talaga ito,” ayon sa actress kung saang gagampanan niya ang character ni Lorraine.

Sinabi naman ni Cassy Legaspi na si Lara sa palabas na ito na isa sa dream roles niya ang gumanap na zombie. “Magiging zombie ako rito and may action which is something I want to dive into. May romcom and horror din. I had so much fun, and I learned a lot with this project. GMA has never done this concept before, so it’s super worth it!”

Meanwhile, Althea Ablan recalls that she was challenged with her character as a fierce young lady who fights zombies, “Gusto ni Direk Rico (Gutierrez) na iba-iba ang atake sa bawat role, so sa akin ang da­ming fight scenes. Dapat maangas talaga at maipakita na sanay akong makipaglaban. Challenging siya but sobrang masaya ako sa ginampanan kong role.”

Playing the villain in the series definitely challenged Matt Lozano, “Medyo nanibago ako kasi ito ‘yung first guesting ko after Voltes V: Legacy. Ang laking difference niya sa character ko as Big Bert. Pero dahil sa prosthetics, nakaka-jump ako agad sa character ko as Tiny na kontrabida sa loob ng game.”

Ang Daig Kayo Ng Lola Ko ang kapalit sa timeslot ng nagtapos na sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer.

Show comments