Ibang celeb na nagkaka-COVID, ‘di na pinagsasabi
Talagang andyan pa rin ang COVID kumbaga.
Wala na halos restrictions at animo’y normal na normal na ang lahat pero marami pa rin ang nahahawa.
‘Yung iba nga lang, hindi na sinasabi para walang usapan. Lalo na ‘yung ibang mga artista.
Anyway, oo nga at sa mga bata-bata ay wala na halos epekto ito pero siyempre ‘pag senior ang nahawa mo, nagkakaroon ng complications tulad sa nangyari kay Star For All Seasons Vilma Santos.
Sa pamilya ni Megastar Sharon Cuneta. Four na raw sa kanila ang may COVID. “Now 4 in our family are down with Covid. Oh. Em. Gee. Please, please pray for us all.”
- Latest