^

PSN Showbiz

Piolo at Sam may series, bago ang leading lady!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo at Sam may series, bago ang leading lady!
Piolo
STAR / File

Kamakailan ay nagwakas na ang Flower of Evil na pinagbidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual. Ngayon ay abala ang aktor para sa kanilang concert tour ni Jericho Rosales na gaganapin sa Vancouver sa Nov. 4 at Calgary sa Nov. 5. Sa Nov. 12 naman ay sa Houston, Texas magpe-perform sina Piolo at Jericho. Ang huling leg ng concert tour ay magaganap sa Nov. 13 sa Sacramento, California.

Pagkatapos ng concert tour ay nakatakdang bumalik ni Piolo sa Pilipinas upang simulan na ang shooting ng pelikulang The Ride kasama si Kyle Echarri. “It’s an action film of a father and son on the run. Madugo pero I like it because it’s different. It’s not rom-com at all. You kind of want to veer away from the usual formula. So when I read the script, I said yes right away. One pass and I said let’s do it. The week after, we did the pre-prod. We are going to film in December,” pagbabahagi ni Piolo.

Bukod sa bagong pelikula ay nakatakda ring gumawa ang aktor ng isang serye na mapapanood sa Netflix. Makakasama ni Piolo sa Netflix series si Sam Milby at kailangan daw pakaabangan ang kanilang bagong leading lady. “Come January, I am doing a series for Netflix with Sam and a surprise leading lady. There’s another film. I’m gonna start rehearsing for the musical I’m doing for the CCP come March. It’s going to be shown in June,” pagdedetalye ng aktor.

Donny at Belle, higit pa sa loveteam ang turingan

Kapag walang trabaho ay mayroong mga pagkakataon na nagkakasama rin sina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Para sa aktor ay higit pa bilang magkatambal ang turingan nila ng dalaga. Minsan daw ay sumama na ang aktres sa personal trip ng pamilya ni Donny. “We’re just ourselves. The most important thing is to stay true to ourselves and not let the outside affect what we have. She just joins us when we go to the beach. We do a lot of activities together. Sobrang cool lang na game si Belle sa lahat ng iyon,” pagtatapat ni Donny.

Samantala, nakahanda si Belle kung sakaling mayroon siyang manliligaw. Mas gusto umano ng aktres ang tradisyunal na ginagawang panliligaw ng isang lalaki sa babaeng napupusuan. “Well, ako personally, I’m a very traditional type of girl. Gusto ko ‘yung pinupuntahan ako sa bahay. Gano’n po ako. I can’t speak on behalf of my generation. Kasi all of us, we fall in love differently. I’m different from them. But I’m the type of girl na gusto ko ‘yung traditional way,” paglalahad ni Belle.

Para naman kay Donny ay malaking bahagi na ng buhay ng mga kabataan ngayon ang paggamit ng social media. Mayroong ilang netizens na nanliligaw o naibabahagi sa publiko ang tungkol sa relasyon sa pamamagitan ng social media. “The main difference now with this generation siyempre ‘yung social media. It’s how communication is done, how relationships are done,” makahulugang pahayag ng aktor. (Reports from JCC)

PIOLO PASCUAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with