Maja, naki-party muna kay Annabelle bago nag-taping  

‘Di ba, Ateng Salve, isa ka sa mga nangulit sa akin kung bakit nasa advance 70th birthday celebration ni Annabelle Rama sa Manila House Private Club sa BGC (Bonifacio Global City) sa Taguig City noong Oct. 26 si Maja Salvador (kasama ang fiancé na si Rambo Nuñez) at wala siya sa location taping sa Cebu ng The Iron Heart ABS-CBN teleserye na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez na wala sa nasabing birthday party?

Actually, after no’ng gabing ‘yun, pumunta na rin si Maja sa Cebu dahil may mga eksena nga siyang kailangang kunan.

Isa nga si Maja sa mga kaeksena ni Richard na dinatnan ni Bisaya sa second location noong Monday ng The Iron Heart sa may seaside sa Cebu.

Siyempre, chika-chika si Bisaya kay Maja na sobrang na-appreciate nga niya dahil nagpunta sa kanyang advance birthday party last week.

Eh, birthday mismo ni Bisaya noong Monday, kaya bukod kay Richard, bumati rin sa kanya si Maja. Bumati rin ang lahat ng mga taga-The Iron Heart na binusog niya ng anim na lechon at Chinese food na pinadala niya sa set.

So nice of Bisaya, ‘di ba, Ateng Salve?!

Movie ng Donbelle, ipalalabas sa buong Amerika

Sayang talaga, Ateng Salve, at hindi na ako makakaalis papunta ng Las Vegas, Nevada para sa ASAP Natin ‘To Las Vegas show. Nagsimula nang umalis ang production staff at ibang stars and singers na rin.

Si Lovi Poe, nasa Los Angeles, California na kaya pupunta na lang sa Las Vegas on Nov. 4 dahil magre-rehearse na sila sa Orleans Arena on that day.

May pa-sneek peak sa SVIP at VIP tickets holders sa rehearsal on that day. Bongga!

Nahiya nga ako kay Ms. Nerissa Fernandez ng TFC (The Filipino Channel) dahil siya pa naman ang nag-coordinate ng lahat para makapag-cover ako sa event na ‘yon, pero hindi nga ako makaalis dahil magpe-presscon din ng The Iron Heart ni Richard.

Kasama rin sa ASAP Natin ‘To Las Vegas ang love team nina Donny ­Pangilinan at Belle Mariano na balitang ang ibang mga fan nila na galing sa Canada ay pupunta roon para mapanood sila.

Anyway, pupunta rin ng LA ang DonBelle para naman sa promotions ng kanilang An Incovenient Love movie na ipalalabas din sa buong Amerika. May pa-event ang TFC para kanila at gaganapin ‘yon sa isang Pinoy restaurant/bar sa may Cerritos, California.

Sayang, invited din ako roon, pero hindi nga ako makaalis.

Anyway, 30th anniversary presentation ng Star Cinema ang An Incovenient Love, kaya kung sa ‘Pinas ay ipalalabas ‘yon on Nov. 23, isu-showing din ‘yon sa Amerika at iba pang mga bansa.

Sabi nga nina Donny at Belle, lalo silang kinakabahan dahil nga 30th anniversary presentation ito ng Star Cinema, pero in fairness nga, sa trailer pa lang ay ang bongga na  kaya kung kami ang tatanungin, mukhang puwede na silang mag-relax dahil tiyak na magugustuhan ‘yon ng fans, huh!

‘Yun na!

Show comments