^

PSN Showbiz

Cherry Pie, namimili na lang ng trabaho!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Cherry Pie, namimili na lang ng trabaho!
Cherry Pie
STAR/ File

Mahigit tatlong dekada nang aktibo sa show business si Cherry Pie Picache. Mapili na umano ang aktres sa mga proyektong kanyang ginagawa. “Well sa akin first and foremost, I’m an actor and it is my job and my craft calls for it for me to be able to portray different roles. Actually, isa ‘yon sa pinakamasaya sa trabaho ko, na makapag-portray ako ng mga role.

“Ang unang-unang konsiderasyon ko sa pagtanggap ng project is ‘yung script at kung sinu-sinong mga makakatrabaho ko. Sa edad ko ngayon, I would like to believe na gusto kong gumawa ng pelikula na hindi lang nakakapag-entertain but they will also want to be able to inspire, to get equal view, to encourage. ‘Yon ang mga malalaking konsiderasyon ko sa pagtanggap ko ngayon,” paliwanag ni Cherry Pie.

Nagsu-shooting ang aktres ngayon para sa pelikulang Oras de Peligro ni Joel Lamangan.

Matatandaang huling napanood si Cherry Pie sa seryeng Marry Me, Marry You.

Sa telebisyon naging aktibo ang beteranang aktres nitong mga nakaraang taon. “As an artist, dumarating tayo sa punto lalo na nanay na ako and I also have to take care of my son. Unang-una, maraming proyekto na magaganda na ginagawa sa telebisyon. So medyo do’n na ako na-busy. Sa pelikula siguro dumating sa punto na namimili na ako, to make the film that’s really worth my time as an artist. At sa dami na nga at sa tagal ko na rin sa industriya bilang aktres. Gusto ko ng isang role na talagang makabuluhan,” paglalahad niya.

Hindi raw nagdalawang-isip na tanggapin ni Cherry Pie ang bagong pelikula lalo pa’t muli niyang makakatrabaho ang premyadong direktor. “I’m very excited to work with Direk Joel again. Alam n’yo ba, ang kauna-unahang award ko ay binigay ni Direk Joel sa isang movie for TV long time ago na ‘yon. Kaya masaya ako na muli kaming magkaka-work. Gusto ko ‘yung title kasi I think it does not only say of our country sa sitwasyon natin but the whole world ngayon. ‘Yung oras de peligro importante hindi lang sa bansa natin kundi sa buong mundo at kung hindi tayo magtutulung-tulong,” pagtatapos ng beteranang aktres.

Sam, handa nang magpa-sexy

Kamakailan ay muling pumirma ng management contract sa Viva si Sam Concepcion. Kahit halos walang nagawang proyekto dahil sa pagkakaroon ng pandemya ay mas pinili raw ng actor-singer na manatili sa pamamahala ng Viva. “I like to stay where I will grow. And I really did feel that no’ng nandito ako sa Viva despite na most of my years in Viva kinain ng pandemic eh. Kakalipat ko lang no’n, I think it’s 2019 when I did Indak, The Crew concert, Para sa Broken Hearted and all that. And then kinain na ng pandemic years ‘yung time ko with Viva. Despite all of that, there was plenty of work that was done, movies that were made, and songs that were released. So I have no doubt that this is where I’m supposed to be,” pahayag ni Sam.

Sa susunod na taon ay maraming proyekto ang nakatakdang gawin ng binata sa Viva. “I will continue na mag-release ng music. Pati movies, siyempre pero ‘yung specifics no’n hindi ko pa alam. It has to be determined. I’m looking forward sa movies na gagawin namin. Gusto ko pa rin gawin ay ‘yung more concerts and music,” dagdag niya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay wala raw problema kay Sam kung gumawa man siya ng sexy films sa Vivamax. “I’m not completely closed off sa gano’ng idea. If it’s done right, if it’s tastefully done, if it’s a good material. I’m still an actor and I’m willing to act,” pagtatapat ng singer-actor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with