Maxene, walang nakitang katiting na yabang sa DonBelle

Maxene Magalona

Simula November 23 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang An Inconvenient Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Kabilang din sa naturang proyekto si Maxene Magalona.

Para sa aktres ay talagang napahanga siya sa tambalan ng Don-Belle mula nang kanyang makatrabaho ang dalawa. “Marami na rin nga akong naka-love team. Marami rin akong nakitang ibang love team around me but this one is really different. Now that I finally got to work with them, they are very professio­nal. They are very laid back and very authentic. ‘Yon ang gusto ko sa kanila, walang katiting na yabang. And I love that,” paliwanag ni Maxene.

Ayon pa sa aktres ay tama lang na suportahan ng mga tagahanga sina Belle at Donny dahil nagsisilbing inspirasyon ang dalawa lalo na sa mga kabataan. “I am very glad that the Gen Z’s are looking up to this particular love team. You chose a very good love team,” giit niya.

Dimples, proud sa unti-unting pagtupad ng pangarap ng anak

Masayang-masaya si Dimples Romana para sa panganay na anak na si Callie.

Kasalukyang nasa Australia ngayon ang dalagang anak ng aktres at kumukuha ng kursong Aviation Manangement sa Southern Cross University.

Ayon kay Dimples ay unti-unti nang natutupad ang mga pinapangarap lamang noon ni Callie na maging isang piloto. “Sabi ng tatay ko, one day when I will have children of my own. Apart from kindness and respect, I must be able to impart to them the value of dreams. Yes, pangarap, mas mabuti na daw kasi ang mahirap na may pangarap kaysa may kaya na walang pangarap,” makahulugang pagbabahagi ni Dimples sa kanyang Instagram account.

Hinding-hindi makalilimutan ng aktres ang lahat ng mga pangaral noon ng kanyang amang namayapa na. Para kay Dimples ay hindi madali ang magpalaki ng mga anak. Kailangan lamang umanong pakatutukan at gabayan ang bawat supling upang makatuwang sa bawat pangarap ng mga ito. “Tama naman, It’s not easy training for our children to dream big. Lalo na it and when they grow up in a home na kahit paano nakakaluwag-luwag na tayo. They become oblivious to struggles and sacrifice may be a strange concept to them. Inspiration can’t be forced. It can’t be bought either,” giit niya.

Naniniwala rin si Dimples na kailangang makaranas muna ng kabiguan ang isang tao bago maabot ang pinakamimithing tagumpay. “So no matter how rich and able you are in life, to find inspiration in one thing, one must know the feeling of ­having nothing or at least close to that. To want to be better, one must know what it feels like to fail. For failure is temporary but so is a success. So in anything just like what my Papa made sure I knew before he had passed on, never be afraid to be uncomfortable, embrace the uncertainty, never be afraid to fail, never be afraid to try, and try harder. Dreams spark hope and often hope and faith are all we really need,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

Show comments