Ang Ozone Disco tragedy sa bansa ang naalala ko nang magkaroon ng stampede sa Halloween party sa Itaewon, South Korea, kung saan umabot sa 151 ang namatay.
March 1996 noon nang maganap ang trahedya sa Ozone Disco na punung-puno ng mga estudyante na pumatay sa 150 habang dose-dosena noon ang malubhang nasugatan, na ayon sa pulisya ay marami ang nasaktan pa dahil sa pagmamadaling lumabas ng nasabing disco house.
Ayon sa balita, naganap ang trahedya sa South Korea noong Sabado ng gabi, sa Itaewon, kung saan dumagsa ang libu-libong tao sa nasabing lugar upang ipagdiwang ang Halloween.
Pero hindi pa malinaw ang sinasabing dahilan ng nasabing pangyayari.
Nitong Linggo ng hapon, 151 katao na ang sinasabing namatay sa tinuturing na isa sa pinakamalalang trahedya sa Seoul, South Korea.
Maraming turista ang kasama sa nasaktan at ang ilan ay namatay.
Sinasabing nasabik ang maraming mag-Halloween party dahil nga matagal ding hindi naging normal ang lahat dahil sa pandemya.