KathNiel binabantayan pa rin sa breakup issue, Karla itinanggi!

KathNiel

Ang daming nag-share sa TikTok ng eksena sa nakaraang presscon ng 2 Good 2 Be True ng KathNiel loveteam, na kung saan parang malamig sa isa’t-isa sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Meron pang ilang posts na nagpapa-picture ang buong staff sa kanila, hindi sila nag-uusap at mas hinaharap nila ang mga staff at ilang co-stars.

Makahulugan pa ang sagot ni Daniel tungkol sa loyalty na mas pinahalagahan niya ang pagiging loyal ng kanyang alagang asong si Summer.

May mga pahayag pa silang nagkakasawaan na at kailangang sumubok na sila ng bago para sa mga susunod na projects.

Kaya napagdudahan tuloy na baka nga break na sila.

Pero pinabulaanan din ito ni Karla Estrada.

Natahimik na ngayon ang KathNiel fans dahil magkasama ang magkasintahan na dumalo sa opening ng isang resort sa Palawan.

Sina Piolo Pascual at Kathryn ang nag-cut ng ribbon ng bagong resort na ito sa El Nido, Palawan at nandun din si Daniel para samahan ang aktres.

May ilang fans na nandun sa Palawan na nakakuha ng ilang tagpo na magkasama roon ang magkasintahan.

Supportive boyfie lang daw si Daniel na sinamahan doon si Kathryn.

Ipinost din ng ABS-CBN reporters na si MJ Felipe na magkasama sila roon, para matigil na raw ang break-up tsismis tungkol sa dalawa.

Kaya nagti-tweet na ang KathNiel fans ng “bea­ting the break up allegations for the 100th time!” Nasubaybayan nila ang dalawa na nai-post pa nila ang pagbalik ng dalawa sa Maynila.

Alfred, napabilib sa kapatid

Bilib si Alfred Vargas sa kanyang kapatid na si Cong. PM Vargas dahil tala­gang nagtatrabaho raw ito at maganda ang performance niya sa Congress.

Kasabayan niya ang iba pang mga batang kongresista kagaya nina Cong. Jolo Revilla, Cong. Bryan Revilla at Cong. Sandro Marcos.

Baguhan pa lang daw ang kapatid niya, napapagkatiwalaan na ito ng mabibigat na responsibilidad sa Kongreso.

“Si Cong. PM, nagra-run na siya ng floor. BInig­yan siya ng position na hindi pang-neophyte.

“Talagang ipinagkatiwala sa kanya ‘yung mataas na position. Tapos ang mabibigat na departments, sa kanya binibigay, saka sa budget.

“Nakaka-proud siya. Sobrang proud ako,” pakli ni Alfred na bumalik muna sa pagiging konsehal ng 5th district ng Quezon City.

Medyo magaan na ang trabaho sa pagiging konsehal kaya tumanggap na siya ng acting projects.

Thankful siya sa GMA 7 dahil binigyan naman daw siya ng magagandang projects.

Regular siya sa bagong drama series na Arabella, pero bago ‘yan, may special participation siya sa bagong afternoon drama na Unica Hija na magsisimula na sa Nov. 7.

Gustung-gusto ni Alfred ang role niya rito.

“Ako ru’n ang tatay ni Kate Valdez, tapos asawa ko si Katrina Halili.

“Isa ako sa pinakamagaling na Genetic Engineers.

“Tapos first time na nagkaroon ng successful na cloning. Ginawa sa aso, sa hayop.

“Tapos biglang may nangyari sa anak namin ni Katrina, devastated kaming mag-asawa. Tapos naghiwalay kami because of that.

“Sabi niya sa akin, ‘matatanggap kita ulit kung mababalik mo ‘yung anak natin. E, wala namang iba. So, ako para lang mabalik si Katrina, magbalikan kami… ‘yun na! I did the unthinkable, kinlone ko ‘yung anak ko. Dun na nagsimula,” kuwento ni Alfred.

Mapapanood siya sa pilot week nitong Unica Hija, dahil mamamatay rin sa kuwento ang karakter nito.

Show comments