^

PSN Showbiz

Sarah sa mga magulang: ‘patawad po’ Pagkatapos ng 2 years...

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sarah sa mga magulang: ‘patawad po’ Pagkatapos ng 2 years...
Sarah at mga magulang
STAR/ File

Pagkatapos ng 2 years

Nanghingi na ng tawad si Sarah Geronimo sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng isang post sa Instagram na karaniwang hindi niya ginagawa.

Kasabay nga ng pagragasa ng bagyong Paeng ang kanyang mahabang sulat.

“Hindi ko po ito madalas gawin dahil gusto ko po mapanatiling pribado ang aking personal na buhay pero pinipili ko pong kunin ang pagkakataon na ito para pasalamatan ang Diyos, ang aking pamilya at ang aming mga furbabies para sa inspirasyon na patuloy na maging malakas, masaya, at mapagmahal sa buhay ano mang hirap o pagsubok ang aking harapin.

“Gusto ko rin kunin ang pagkakataon na ito, sa paraan din na ito.. na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po.

“Sa aking mga magulang.. walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay niyo sa akin, sa aming magkakapatid. Lahat ng suporta at pag-aaruga..ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang pwedeng makapagpunan po nito.

“Mahal na mahal ko kayo.. daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip,” ang unang bahagi ng sulat ni Sarah na ang tinutukoy ay ang pagpapakasal niya sa mister na ngayong si Matteo Guidicelli nang walang basbas ng kanyang Daddy Delfin at Mommy Divine.

“Kung meron man po ako natutunan sa sitwasyon na ito.. ito ay ang pang-unawa at pagtanggap na walang perpekto na buhay o pagmamahal mula sa ating mga tao lamang. Ang pinakaimportante ay ang pagpapakumbaba na tanggapin ang katotohanan na ito at pagtutulungan na maging mas mabuti at mapabuti ang buhay ng bawat isa lalong- lalo na sa isang pamilya. Dahil ang pamilya ay binuo ng Diyos, at patuloy itong magiging buo kung pagmamahal at pagpapakumbaba ang paiiralin sa ating mga puso ano man ang pagkakaiba o maging choices, desisyon sa buhay ng bawat isa.

“Napakadali din para sa atin na mang­husga at magbigay ng opinyon sa buhay ng iba. Wala tayong kontrol sa pag-iisip nila, ang pinakaimportante ay alam mo kung ano ang katotohan sa puso mo. The truth is in the end, it’s just really bet­ween you and God.

“In my darkest hour, I was also reminded to look to God and feel his unfailing love and faithfulness through His word and grace. I have learned to find joy and peace again in God alone. The author of love and the perfecter of our faith,” nabanggit pa niya sa sulat.

Nagpasalamat din si Sarah sa kanyang loyal popsters na laging andyan para sa kanya at sa manager niyang si Boss Vic del Rosario for almost 20 years.

Pinaalalahanan din niya sa nasabing sulat na pahalagahan ang bawat oras na ibinibigay ni Lord at iparamdam ang pagmamahal sa mga mahal sa buhay.

“Sa aking buong Geronimo family, Mula noon hanggang ngayon, kayo ang inspiras­yon ko sa buhay. Para sa inyo ang aking muling pagyakap sa musika at pagkakataon na muling makapagbigay ng saya at inspiras­yon sa ibang tao. Ngunit bilang isang anak at kapatid, para sa akin, ang makasama kayo habang ako ay nabubuhay nang may pagmamahalan at kapayapaan sa ating mga puso ang tunay na ibig sabihin ng mga salitang tagumpay at kaligayahan.

“Muli, maraming salamat para sa inyong pagmamahal at para sa inspirasyon. Mahal na mahal ko kayo.”

Naka-off ang comment section nito kaya’t walang makapag-comment.

Common knowledge sa showbiz na ‘di ma-social media si Sarah at may nagha-handle ng kanyang mga account pero naniniwala silang galing kay Sarah ang nasabing panghihingi ng tawad sa mga magulang.

 

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with