Happy... ni John Lloyd, babu na sa ere!

John Lloyd at Sanya
STAR/ File

Season 2 finale episode na pala ang Happy ToGetHer pagkatapos ng ten-month run nito, this Sunday, October 30, on GMA.

Ito ang kumbaga ay naging comeback project ni John Lloyd Cruz pagkatapos ang matagal na pananahimik nang magkaroon ng anak at tapusin ang kontrata sa ABS-CBN.

Very light at nagpatawa rito si John Lloyd pero maraming naging relata­ble moment dahil sa storyline and funny dialogues, na nakakaakit sa mga manonood.

Hindi lang nagkaroon ng permanent partner ang aktor sa palabas na ito.

Napuri naman ang acting ni John Lloyd dito : “One great thing about Lloydie is kahit sinong actress i-pair sa kanya bagay. Napu-pull off nya at ang galing niya mag handle walang ilang. He is the King of Romcom up to now. My idol John Lloyd Cruz keep on shining.”

Ayon naman sa isa pang komento : “For 10 months of watching happy together, it became my family’s Sunday bonding. Napakaganda ng happy together, pampa good vibes talaga at nakakawala ng stress.”

Samantala, naghahanda umano para sa isang malaking sorpresa ang tropa nila John Lloyd for next year.

Si Direk Edgar Mortiz ang nag-handle ng programa sa sampung buwan nito sa GMA.

Show comments