^

PSN Showbiz

Justin, Francine, Luis & Jessy at EJ, bibida sa ‘Panalo Stories’

Pilipino Star Ngayon
Justin, Francine, Luis & Jessy at EJ, bibida sa ‘Panalo Stories’
Jessy at Luis
STAR/ File

Bibida ang mga Pilipino celebrity na ‘wagi’ at ‘panalo’ sa buhay.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Puregold sa ika-25 na taon nila sa industriya ng retail para sa kanilang ‘Panalo Stories’.

At isa sa mga bida sa ‘Nasa Iyo ang Panalo’ ay si Justin de Dios, mas kilala bilang Justin, ang sub-vocalist at creative lead ng sikat na boy band na SB19. Isang singer, rapper, at aktor, minsan nang nagduda si Justin kung maaabot ba niya ang tagumpay gamit ang talent niya. Pero ‘di siya sumuko, dahil sa determinasyon isa na siya sa mga kilalang bituin ngayon ng Philippine Pop. “May panahong walang gustong makinig sa ‘kin; mga panahong gusto ko nang sumuko. Pero hindi ako nagpatalo,” kuwento niya sa kanyang video, na sa kasalukuyan ay may 3.9 million views na.

Marami na rin siyang mga teleserye bukod pa sa isa siya sa may magandang mukha na showbiz, si Francine Diaz, kundi mahusay rin sa pag-arte.

Sa kanyang Nasa Iyo ang Panalo video, ibinahagi niya, “May mga iniyakan, pero mas marami akong nilabanan. Ang pagpursigi ko, walang cut, dahil alam kong nasa akin ang panalo.”

Dahil inspirasyon niya ang kaniyang pamilya, nakapagpursigi si Francine at narating kung nasaan na siya ngayon—isang magaling na aktres na may mga fan nagmamahal sa kanya, at mga proyekto at endorsement na nakapila.

Tampok din sa Nasa Iyo ang Panalo ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Sa kanilang video, ibinunyag ng malapit nang maging first-time parents ang kanilang pagmamahal bilang greatest achievement at kung paanong ang kanilang samahan ay nalagpasan ang lahat ng pagsubok na hinarap at haharapin. Sabi nga ng mag-asawa, “Hindi mo kailangang maging mag-isa. May kasama kang sasalubong sa kahit anong ibigay ng tadhana.”

Isa namang kilalang pangalan sa TikTok, mayroon ding kuwento ng tagumpay si Queenay Mercado, isang influencer, aktres, at kilala bilang Reyna Batangueña ng Tiktokverse.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagay mula sa kanyang pinagmulan sa TikTok, mayroon na ngayong 12 milyon na followers.

Mayroon ring kuwento ng determinasyon at pagsusumikap ang pole vaulter at record-holder na si EJ Obiena, na kukumpleto sa anim na matagumpay na personalidad na tampok sa Nasa Iyo ang Panalo.

Dahil sa kanyang tibay ng loob at tiyaga, narating ni EJ Obiena ang estado niya ngayon bilang atleta. Patuloy lamang siya sa mga kumpetisyon at sa pag-uwi ng tagumpay para sa sarili at para sa bayan. Aniya, “Sugod lang hanggang tuktok, dahil kahit anong mangyari, alam kong nasa akin ang panalo.”

Maaaring abangan ng mga suki ng Puregold at mga follower ng mga digital channel ang iba pang mga Panalo Stories ng mag personalidad na ito, at ng mga ordinar­yong Pilipino rin, ngayong nagdiriwang ang retail chain ng kaniyang ika-25 na taon.

“Hindi magiging possible ang tagumpay naming kung wala ang aming mga mamimili, ang mga Pilipinong nakasama naming sa pagdaan ng mga taon,” ani Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club, Inc.

Noli, may hatid na bagong kwentong kababalaghan

Kumpleto na muli ang paggunita ng Halloween ng mga Pinoy dahil may handog na bagong mga kwentong magpapakilabot sa mga viewer si Noli de Castro ngayong Linggo (Oktubre 30) sa Kababalaghan: Pagkagat ng Dilim ng KBYN.

Para sa naturang Halloween special, itatampok nito ang kwento ng mga Pilipinong may karanasan sa iba’t ibang elemento. Nariyan ang isang pamilya mula sa Calabarzon na patuloy na ginagambala ng isang black lady kahit pa lumipat na sila ng bagong bahay.

Isa ring pamilya mula pa rin sa Calabarzon ang nakakaranas ng samu’t saring kababalaghan sa dati nilang tinitirhang bahay. Ilan sa mga nilalang na nagpakita at nagparamdam nila ang white lady, lalaking naka-kadena ang paa, at isang demonyo.

Sinasapian naman umano ng demonyo ang isang 18 gulang na buntis sa Cavite matapos maglaro ng spirit of the glass kasama ang kanyang mga kaibigan, habang sinusundan naman ng kapre ang isang 48 taong gulang kahit saang lugar siya magtungo.

Isang gabi itong magpapatindig sa balahibo ng sambayanan sa Kababalaghan: Pagkagat ng Dilim na isang Halloween special ng KBYN: Kaagapay ng Bayan, ngayong Linggo (Oktubre 30), 5 p.m. bago ang TV Patrol Weekend sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, TeleRadyo, at A2Z.

PANALO STORIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with