Daniel at Kathryn, hiwalay na?!

Daniel at Kathryn

Nabutasan sa ‘loyalty’...

Maingay ang intrigang hiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kumalat ang ilang video na hindi na raw sweet ang dalawa nang may ilang magpa-picture sa kanilang fans.

Pero wala naman kaming nakitang kakaiba nang magkaroon sila ng presscon para sa finale ng super hit series nilang 2 Good 2 Be True last week.

Ganun pa rin sila though, parang medyo wala sa sarili si Daniel dahil pinapaulit niya ang mga tanong ng ibang invited press.

Pero ang isang sinagot nila ay handa silang gumawa ng project na magkahiwalay pagkatapos nitong 2 Good 2 Be True.

Ginawa namang super big deal sa social media ang sagot nila tungkol sa loyalty.

What is loyalty for you tanong ng isang invited press?

“Loyalty for me is being contented. Because if you’re contented, you won’t look for any more person,” ayon kay Kathryn.

Hirit naman ni Daniel : “Alam n’yo sinong pinaka-loyal? ‘Yung aso ko, si Summer. ‘Yun ang pinaka-loyal. Doon ko makikita ‘yung definition ng loyalty na kahit ano man ang pinagdaraanan ko, kung ano mang sitwasyon ng emosyon ko ngayon, sino ako ngayon tatanggapin ako nang buong-buo nu’n. ‘Yun ang loyalty. Walang judgment kung sino ka.”

Mahiwaga ang naging dating ng nasabing sagot nila na nagpatibay sa umiikot na balitang hiwalay sila sa kasaluku­yan.

Show comments