Showbiz couple, may away!

Naku, Ateng Salve, gustong maniwala ng isang ka-close ng isang sikat na sikat na female star na may tampuhan talaga ang dalaga at ang boyfriend nitong sikat na sikat na aktor.

Nahalata raw niya na hindi masyadong “touchy” si aktor kay aktres. “Noon kasi, pala­ging nakahawak si ______ (pangalan ni aktor) kay _______ (pangalan ni aktres). Nagduda na ako, kasi ‘di ba ‘touchy’ nga si lalaki kay babae kapag magkasama silang dalawa? Palagi siyang nakahawak, pero sa presscon nila, parang hindi.

“Kaya nga hindi na ako nagulat nang tawagan ako ng isang friend ko na taga-advertising agency at nakasama nila sa isang endorsement shoot lately. Hindi nga raw nag-uusap ‘yung dalawa sa shoot.

“Kapag wala nga sa camera, pareho raw hindi ngumingiti. Ano kaya ang problema nila?,” sey ng source namin.

Hmph! Hindi kaya simpleng tampuhan lang ‘yon ng mag-sweethearts?

In fairness naman kasi sa kanilang dalawa, kahit may pagkakataon noon na inili-link sa iba si aktor, hindi basta nagre-react si girl. Ni hindi siya pumapatol sa pang-iintriga ng iba. Talagang iniingatan niya ang relasyon nila ni aktor.

Si aktor din naman, kahit kung anu-anong pang-iintriga ng iba at ini-link pa nga sa isang female star na nakasama nito sa isang proyekto, wala namang pruwebang lumalabas na nakikipaglandian talaga ito sa ibang mga babae, huh!

So, I’m sure, kahit may may ganitong intriga, na pinala­labas ng iba na may tampuhan sila, hindi pa rin magkukuwento ang mag-sweethearts at iingatan nila ang kanilang relasyon.

Well...

Sen. Bong, nangako kay bisaya!

Alam mo, Ateng Salve, ‘kaaliw kakuwentuhan si Annabelle Rama. Kahapon kasi nang tumawag siya, tinanong niya ako kung ano ang balita.

Sabi ko, pinag-uusapan na si former senator Manny Pacquiao at ang misis nito na si Jinkee Pacquiao ang pinakabonggang nagbigay sa kanya ng regalo. “Bakit nalaman ng iba?,” tanong niya na sinagot ko ng, “’Di ba, in-announce mo. Sinabi mo nga na datung ang regalo sa ‘yo nina Manny at Jinkee!”

Nakalimutan na niya, Ateng Salve, na naka-video pa siya nang tanungin mo kung bag ba ang regalo sa kanya ng mag-asawang Pacquiao at inamin naman niya sa ‘yo na datung ‘yon.

Anyway, next week, marami raw magpapa-birthday dinner for Tita Annabelle at ‘yung mga hindi raw niya na-invite noong Wednesday sa Manila House Private Club sa BGC (Bonifacio Global City), Taguig City ay iimbitahan daw niya.

Si Senator Bong Revilla nga raw ay tumawag sa kanya at nagpaliwanag na namatay ang brother-in-law nito kaya hindi nakapunta sa birthday event niya. “Sabi ni Bong, sorry. I understand naman, namatayan siya. Pero sabi naman niya, may gift siya sa akin, kaya ang sagot ko, at least, important na may gift ka. Natawa tuloy si Bong. Hahaha!,” ang nakakaaliw na kuwento pa ni Bisaya.

Bongga... ‘Yun na!

Show comments