^

PSN Showbiz

Angeline, iniwan ang anak para maki-party!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Angeline, iniwan ang anak para maki-party!
Annabelle Rama at Angeline Quinto

Alam mo, Ateng Salve, favorite talaga ni Annabelle Rama si Angeline Quinto, kaya naman sa 70th birthday celebration niya na ginanap sa Manila House Private Club sa BGC (Bonifacio Global City) sa Taguig City noong Wednesday night, ang isa sa wishes ng Gutierrez matriarch ay dumalo’t kumanta ang Kapamilya singer-actress.

Hindi naman binigo ni Angeline ang request ni Bisaya at talagang iniwan muna niya si Baby Sylvio (na six months na kahapon) para kumanta sa birthday event ng misis ni Eddie Gutierrez.

Nang dumating si Angeline, super alok ako sa kanya na mag-dinner muna sila ng kanyang road manager na kasama, pero nagda-diet daw siya kaya mukhang malaki na rin ang ipinayat niya, huh!

Anyway, Adele medley ang kinanta ni Angeline, na talaga namang ikinatuwa ng mga bisita, lalo na ng birthday girl.

Super palakpakan nga ang lahat sa galing kumanta ni Angeline, huh! Ang bongga talaga niya!

Cong. Goma, kinakarir ang pagpapapayat

Like Angeline, ang bongga rin ni Congressman Richard Gomez dahil ang laki na rin ng ipinayat niya, huh!

Sabi ko nga kay Goma, hindi ko siya kaagad namukhaan.

Sabi naman niya, kailangan na raw talagang magpapayat siya, kaya kina-career niya ‘yon.

Naikuwento ko nga pala kay Goma na ang mga kaibigan ko sa Amerika ay masyadong hooked sa kanyang YouTube channel kung saan ay nagluluto siya.

In fairness, bawat putaheng gawin ni Goma ay ginagaya ng friends ko. “Talaga? Thank you naman!” sey ng actor-politician.

Jean, gustong tulungan si Lolit

Naaliw naman ako, Ateng Salve, nang ipakilala kita kay Jean Saburit, huh!

Sobrang natuwa si Jean dahil finally ay nakilala ka na niya dahil noon daw sa online show nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu for Pilipino Star Ngayon ay palagi lang niyang naririnig na binabanggit ang name mo at hindi ka naman daw nagpapakita on camera.

Feeling ko nga, Ateng Salve, gusto ni Jean na mag-online show ka na, ‘noh?!

Anyway, nakaka-touch si Jean dahil kinumusta talaga niya sa atin si Manay Lolit at ang sabi niya ay magpasabi lang sa kanya kung ano ang kailangan ng kanyang former manager at willing siyang ibigay ‘yon.

Noon palang bago pa lang sa showbiz si Jean ay si Manay Lolit ang nag-manage sa kanyang career at hindi raw niya makakalimutan ang mga naitulong sa kanya noon ng controversial talent manager-entertainment columnist, huh!

Sabi pa nga ni Jean, “Jun, tawagan mo lang ako kung ano ang kailangan ni Nanay Lolit at ibibigay ko!”

Naku, Manay Lolit, mukhang tama nga ang nasabi mo pa man ay magaganda na ang iyong nagawa para sa ibang mga tao kaya naman ang daming gustong tumulong sa pagda-dialysis mo, ‘noh?!

So bongga!

Anyway, pumayat si Jean ngayon at parang ang fresh-fresh. Hindi raw kasi siya kumakain na ng pork at beef at iwas din sa sweets.

Naku, Ateng Salve at Manay Lolit, gayahin na natin ang nanay ni Nicole Andersson, huh!

Sabi ko nga pala kay Jean, mukhang kaya siya lalong gumaganda ay dahil may peace of mind siya dahil may mabait siyang anak.

‘Yun na!

ANNABELLE RAMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with