^

PSN Showbiz

Mga teleserye ni Erich, napapanood sa Africa at French territories

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga teleserye ni Erich, napapanood sa Africa at French territories
Erich Gonzales

Aktres nagpa-low key nang ikasal sa bilyonaryo

Ang bongga ni Erich Gonzales. Dalawang teleserye niya ay napapanood na sa iba’t ibang bansa - La Vida Lena at The Blood Sisters na pinagbidahan ng bagong kasal na aktres.

Matapos unang ipalabas ang FPJ’s Ang Probinsyano, Sandugo, Bagong Umaga, at iba pa, palabas na rin ngayon ang English-dubbed version ng revenge-serye nitong La Vida Lena sa StarTimes Channel sa Sub-Saharan Africa, kabilang ang South Africa, Kenya, at Zambia.

Unang ipinalabas sa Pinas sa iWantTFC, Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, tampok sa serye ang kwento ni Magda/Lena (Erich) at ang kanyang paghihiganti kontra sa angkan ng mga Narciso matapos nakawin ang kanyang pinaghirapang negosyo at sirain ang kanyang tanging pamilya.

Samantala, napapanood na rin ang French-dubbed version ng kanyang 2018 teleserye na The Blood Sisters sa France TV sa iba’t ibang French territories tulad ng New Caledonia, Wallis and Futuna, Polynesia, at Reunion Island.

Tatlong magkakambal na pinaghiwalay matapos ipanganak, pero ipagbubuklod muli ng tadhana ilang taon ang makalipas ang takbo ng kuwento nito.

Mas kilala na ngayon ang ABS-CBN sa paghahatid ng mga de-kalidad nitong mga teleserye, pelikula, at iba pang programa sa iba’t ibang dako ng mundo na hindi siguro nila natutukan kung hindi sila nawalan ng franchise.

Sa kanilang tantya, nakapagbenta na sila ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa abroad. Isa na rito ang naging kasunduan nito kamakailan sa Warner Bros. Discovery para ipalabas ang ilang lifestyle shows nito sa Asya.

Going back to Erich, since ikasal ito sa billionaire husband na si Mateo Lorenzo last March ay lay-low ito sa social media.

Halos wala na itong caption na nilalagay sa mangilan-ngilan niyang post.

Actually, si Erich ang dapat gawing role model ng mga artistang todo ang pagdi-display at ginagawang content ang lovelife sa social media.

Komedyante, naaadik sa bingo

Uy nanalo pala sa Binggo ang isang komedyante na paminsan-minsan ay namo-mroblema sa pera.

Ayon sa ilang nakalaro nito, more than P100,000 ang napanalunan nito recently.

Yup, panay daw ang laro ng binggo nitong si komedyante at TV host din. At suwerte naman daw na nanalo ito.

Well, mas ok na maadik sa Binggo kesa casino. Parang sa Binggo maliitan lang ang taya.

ERICH GONZALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with