‘Pagdalaw nina Sandy at Lyn, nakakaiyak’

Sandy at Lyn

Gusto ko naman maiyak nang dumalaw sila Sandy Andolong (Christopher de Leon) at Lyn Cruz (Tirso Cruz III) sa dialysis session ko noong Martes.

Ang layo ng bahay nila, Parañaque, pero nagbiyahe sila sa FEU Hospital sa Fairview. Kaya nga hindi ako nagtaka na ginutom sila at nagpabili ng sandwich.

Sinabihan ko na ang mga alaga ko na huwag na akong dalawin dahil nga mala­king abala sa oras nila ang pagpunta sa hospital, pero hindi sila mapigilang puntahan ako.

Dahil sa kanilang effort talagang grateful at thankful ako.

Ang oras na pinaka-precious sa atin ay binibigay nila sa akin, na isang malaking bagay.

I feel so humble na madama iyon pagmamahal na iyon. Mababaw ang kaligayahan ko, very loud ako kaya akala ng iba gerera ako.

Pero never akong nauna sa anumang away, basta hindi mo ako inumpisahan, hindi kita papatulan. Pero pag nauna ka, tiyakin mo na kaya mong tapusin dahil hindi ako titigil.

A tooth for a tooth, ganyan ako. Kaya nga ayoko nang away dahil hindi ako mapigilan pag nag-umpisa na.

Maging friends na lang tayo, para walang gulo. Ayoko na maging dahilan para sumama ang loob ng isang tao, pero kung kayo ang may gusto, wala ako magagawa. If you want it, I’ll give it to you.

Bongga si Tera na talent ni Tyrone Escalante na friendship ni Gorgy Rula. Talagang bongga ang launch niya na ginanap sa Seda Hotel noong Martes ng gabi kahit maulan-ulan.

Kasi nga sabi ni Tyrone, gagawin nila ang lahat para maging malaking recording star si Tera na talaga naman bongga ang talent at stage presence nang mag-perform sa ginanap sa press launching.

Kabog. Wait ko talagang sumikat si Tera na agaw eksena sa pangalan pa lang Tera dahil sa showbiz lingo, ang Tera ay nangangahulugan na inggitera.

Pero sa kaso niya tiyak na siya ang kakainggitan.

Show comments