Regine, may fitness tour para sa mWell

Kalusugan ang tunay na kayamanan.

Kaya naman malaking tulong ang digital healthcare na handog ng Metro Pacific Investments Corporation’s (MPIC), ang mWell, ang kauna-kaunahang health app sa bansa, na ngayon ay nakipagtulungan sa mga nangu­ngunang Zumba masters sa bansa upang ilunsad ang mWellness Score sa pamamagitan ng mWell Fitfest Tour Zumba challenge na nagsimula sa Cebu noong weekend.

Ang mWellness Score ay isang personal in-app health tracker na sinusukat ang haba ng inyong exercise, ang inyong light activity, pati ang oras na nakaupo kayo hanggang sa inyong pagtulog na base sa inyong data.

Anyway, ang mWell Fitfest Tour ay pinangunahan ng celebrity dance diva, choreographer and top Zumba instructor na si Ms. Regine Tolentino.

Kaya may pagkakataon ang Zumba communities sa buong bansa na magamit ang kanilang mWellness Score sa pamamagitan ng nationwide Zumba challenge na nagsimula sa noong Oct. 7 sa Cebu kung saan libu-libo ang sumali sa Dance Workout 3.0 Marathon na ginanap sa Insular Square in Mandaue City.

At magpapatuloy ang workout series sa Pampanga, Marikina, Las Piñas and Quezon City. 

Maaaring makisali ang mahihilig mag-Zumba for free, sumayaw para mas lumusog at magkaroon ng pagkakataong makapag-uwi ng mga gift voucher,  at smartwatches.

Ang kailangan lang ninyong gawin ay mag-download ng mWell app ng mWellness Score feature and flex their scores on their social media pages. 

“I’m really excited to partner with mWell for this event. You won’t feel like it’s a dreaded workout. Just dress up, feel beautiful and empowered as you move to the music. You’ll burn a ton of calories too! It will be a blast. By monitoring my mWellness Score as I teach Zumba, I can easily stay fit and healthy, lower the risk of getting sick and be more productive,” dagdag ni Regine.

Bilang suporta sa fitness campaign, sinabi ni MPIC’s Finance, Risk and Sustainability Officer and self-confessed Zumba enthusiast Ms. Chaye Cabal-Revilla  na “Zumba is a fun and easy way to be healthy! It’s an accessible workout activity which allows anyone to stay fit without the need for expensive gear or workout equipment. It’s the perfect fit for the mWell user’s lifestyle. As a fully integrated platform, mWell provides health and wellness solutions in every step of the wellness journey—whether you’re unwell and need to consult with a doctor online or simply want to stay fit.”

 Ang mWellness Score ay designed para sa mga abala ang buhay upang tulungan ang mga ito na bantayan ang kanilang kalusugan, ma-reach ang kanilang fitness goals at diskubrehin ang malusog na pamumuhay upang makaiwas sa chronic di­seases o malalang sakit.

Hindi nito actually kailangan ng drastic lifestyle. Kailangan lang ang konting ‘tweaks’ para sa physical activity at sapat na tulog, at pak magiging malusog ka.

Puwede rin kayong mag-set ng personalized goals, or interact with others on the app, making wellness organically part of their lifestyle.

Ang latest innovation na ito ng mWell comes on the heels of National mWellness Day, the biggest nationwide online medical mission kung saan nagkaroon sila doctor consultations and services as a wellness guide, has earlier won Best Initiative in Technological Innovation in The Asset ESG Corporate Awards – one of the world’s leading and longest-running honors in the environmental, social, and corporate governance (ESG) space.

Maaaring i-download ang mWell PH app from the Apple App Store or Google Play Store.

Show comments