^

PSN Showbiz

Petisyon sa piyansa ni Vhong Navarro, hahatulan ngayon!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Petisyon sa piyansa ni Vhong Navarro, hahatulan ngayon!
Vhong Navarro

Muling didinggin ngayong araw sa Taguig Regional Trial Court ang kasong Rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro.

Nakapanayam namin ang abogado ni Deniece na si Atty. Howard Calleja nung nakaraang Linggo sa story conference ng pelikulang Oras de Peligro, at binanggit niya sa amin na pag-uusapan sa  hearing ang Petition for Bail na inihain ng kampo ni Vhong.

Aniya; “Sa Tuesday ulit yung hearing. Meron na kaming dalawang hearing na natapos. Meron sa Tuesday, tapos meron kami sa November 7, November 10. So, titingnan natin.”

Itong Petition for Bail na isinumite ng kampo ni Vhong ay bahagi raw ng kasong Rape na dinidinig sa korte. “We are in a bail, ‘di ba pinipresenta mo ‘yung sa tingin mo para makabigay ng medyo mas malaking pag kumbinse. Yun lang. Dun muna tayo. Nandun pa lang muna tayo,” dagdag niyang pahayag.

Hindi na siya nagsalita tungkol sa ilang detalye ng kaso. Ang mahalaga ay napapakinggan na raw ngayon sa korte ang panig ni Deniece.

“Eversince naman, ito yung kumbaga panahon para masabi yung side niya. So, ito yung pagkakataon. Kasi all the while makikita mo trial by publicity.  Mga side nila ‘yung naririnig. So, ito yung pagkakataong marinig ‘yung side niya,” sabi pa ni Atty. Calleja.

Nasa storycon ng pelikulang Oras de Peligro si Atty. Howard Calleja dahil isa pala siya sa producers ng bagong film production na Bagong Siklab.

Tatalakay ito sa nangyari nung EDSA Revolution nung 1986.

Kaya Oras de Peligro, dahil ito umano ang huling apat na araw nung EDSA People Power bago umalis ng Malacanang ang pamilya Marcos.

Nilinaw sa amin ni Atty. Calleja na hindi ito sagot o pangotra sa pelikulang Maid in Malacañang ng Viva Films.

Gusto lang daw nilang ilahad ang buong pangyayari nung People Power na naging bahagi siya at karamihan sa atin.

“Siguro tama naman para isabi sa taumbayan kung ano talaga ang nangyari, anong history. Kumbaga, maganda naman malaman ng bagong henerasyon kung ano talaga nangyari nung 1986,” saad ni Atty. Calleja.

Bida sa pelikulang ito si Cherry Pie Picache, kasama sina Allen Dizon, Therese Malvar, Dave Bornea, Gerald Santos, Mae Paner, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Ellora Espano at marami pa.

Pinagdiinan ni Direk Joel Lamangan na wala silang sinasagot dito na kung ano mang pahayag o pelikula.

Kailangan lang daw mapanood ng mga kabataan kung ano talaga ang totoong nangyari nung EDSA Revolution. “Hindi po ito sagot sa Maid in Malacañang. Wala po akong intensyon na sagutin ang Maid in Malacañang,” paglilinaw pa ni Direk Joel Lamangan.

Matagal na ring hindi nakagawa ng pelikula si Cherry Pie dahil naging abala siya sa mga teleserye.

Kaya niya tinanggap itong Oras de Peligro dahil gusto niyang maging bahagi sa pelikulang ito upang  magwasto ng mga maling akala o kuwentong ikinalat tungkol sa kasaysayan ng ating bansa.

“I think it is also important as an artist, lalo na sa panahon ngayon na makagawa ng isang pelikulang tulad nito,” aniya.

“I mean, to make a movie di ba…we’re not there to entertain, but we’re there to inspire di ba? Para makapag-move, encourage ng mga tao.

“So I think it’s very important ngayon na magsabi ng katotohanan, especially for the youth of our country. Kasi sila ang nakakaalam kung ano yung pinagmulan natin, kung ano ang ipinaglaban ng maraming tao para makamit ang kalayaan na meron tayo ngayon,” saad ni Cherry Pie Picache.

Ngayong araw na sila magsisimula ng shooting at balak daw nilang ipalabas ito sa February next year, sa anibersaryo ng People Power.

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with