^

PSN Showbiz

Paglilinaw: ‘It doesn’t take a genius...’

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Paglilinaw: ‘It doesn’t take a genius...’
Loli at mga kaibigan
STAR/ File

Paglilinaw at sagot na rin sa mga pahayag ni Ms. Shirley Kuan, manager ng Kapuso star na si Bea Alonzo, na ako ang ghostwriter ni Nay Lolit Solis.

Sa kanyang series of interviews sa PEP, kabilang nga sa pinag-usapan ang tungkol sa ‘ghostwriter.’

Narito ang buong part ng nasabing interview ni Ms. Shirley Kuan na naging manager din noon nina Georgina Wilson at KC Concepcion :

“LOLIT’S GHOSTWRITER?

“Kapansin-pansin sa halos lahat ng Instagram posts ni Lolit ay lagi nitong binabanggit ang pangalang “Salve.”

“Ang “Salve” na tinutukoy ni Lolit ay si Salve Asis, ang entertainment editor ng tabloid na Pilipino Star Ngayon, kung saan may regular column (“Take It, Take It”) ang beteranang talent manager at showbiz columnist hanggang ngayon.

“Alam sa sirkulo ng showbiz na malapit sina Lolit at Salve, na madalas ay magkasama sa mga presscon at maging sa pagbiyahe sa ibang bansa.

“Naniniwala si Shirley na may kinalaman si Salve sa likod ng IG posts ni Lolit.

“Pahayag ng manager ni Bea tungkol kay Lolit: “It doesn’t take a genius to figure out who her cohorts are. They’re a team… because they are always together. She mentions Salve all the time. As I said, it doesn’t take a genius.”

“Dagdag pa ni Shirley, may ghostwriters si Lolit.

“Well, it’s a common knowledge in the industry, maski siya mismo inamin niya na mayroon siyang ghostwriters. Inaamin naman niya. It’s not naman a secret, e.

“Hindi naman nanggagaling sa akin, ‘di ba? I’m just putting it out there. So, if there’s anybody who would write for her, possibly, it could be those who are closest to her.”

Ang buong bahagi ng nasabing interview.

Una, style ni Nay Lolit ang pagsusulat na binabanggit ang aking pangalan.

Ayon na rin sa mismong paliwanag niya, mas madali para sa kanya ang magsulat ‘pag may kausap siya.

At dahil ako ang nag-encourage sa kanya na magbukas ng Instagram account at ako rin ang editor nitong PSN (Pilipino Star NGAYON) kung saan siya may column everyday, ako ang naisip niya na gawing kausap sa kanyang IG posts.

Totoong ako ang nagpo-post/upload para sa account niya at naglalagay ng photos pero siya mismo ang nagsusulat ng mga content niya. Mula sa text message, diretsong copy/paste ‘yon sa IG niya (na minsan nga ay hindi ko agad napo-post. Hehehe).

Tuwing umaga ‘yan o kung may naisip siya, at araw-araw pa kahit kasalukuyan siyang nagda-dialysis ng twice a week.

Wala akong nakikitang masama kung malapit man ako kay Nay Lolit o kaya ay nakakasama ko siya sa mga presscon o lunch o mga biyahe dito man o sa abroad.

May salitang ‘kaibigan’ o ‘nanay-nanayan’ sa showbiz kaya wala akong nakikitang malisya kung mabait man si Nay Lolit sa akin.

Cohort? Sa dictionary, ang meaning ng cohort ay “a group of people banded together or treated as a group.”

Magiging negatibo lang ang pakahulugan nito depende sa nagbabasa o gumagamit nito.

Para sa akin, klaro, malinaw at gaya nga ng sabi ni Ms. Shirley Kuan, ‘it’ doesn’t take a genius’ para malaman na hindi ghostwriter ang nagsusulat ng IG content ng beteranang showbiz columnist / talent manager dahil paulit-ulit na rin itong sinasabi ni Nay Lolit.

Saka kung totoong kilala n’yo si Nay Lolit inside and out, ‘it doesn’t take a genius’  to know the diffe­rence between an item na siya ang nagsulat o ipinasulat lamang niya noon.

Meron pang bahagi ng interview / article na nagbigay ng editor’s note ang PEP : “[Ed’s Note: Ang Salve na tinutukoy dito ay si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon. Malapit si Salve kay Lolit, at matagal nang usap-usapan sa sirkulo ng entertainment reporters na si Salve mismo ang gumagawa ng ilang IG posts ni Lolit.]”

Ang isang series of reports, lalo na’t ganyan ka-extensive o kalawak, dapat din may fact check at hindi lang base sa “matagal nang usap-usapan” na pagmumukhain nang gospel truth.

Ang lahat ng ito ay to set the record straight.

Hindi ito “speculation” at lalung-lalo nang hindi ito “hearsay” lamang.

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with